Leif POV
"Muntik na tayo dun" - Luhan
Nasa sala kaming lahat ngayon at kadarating lang din nila galing sa pag practice nila
"Buti at narinig namin na papunta dito si manager Lee" - Baekhyun
"Kahit papano may pakinabang naman pala kayo" - Tao na kaagad sinamaan ng tingin nila Chanyeol at Baekhyun
"So, ano ng gagawin natin?"
Napatingin naman kami kay Kris ng itanong niya iyon
"Sigurado akong mauulit pa to" - dugtong niya pa
"Tama si hyung, alam natin na maliban kay Manager Lee pati sila manager Kim mahilig rin bumisita ng biglaan sa dorm natin" - Kai
Maaari ngang maulit pa ito. At baka sa susunod mahuli na talaga ako
"Kaya kailangan nating mag doble ingat" - Suho
"Paano?" - Sehun
"Dapat malaman natin palagi kung nasaan sila Manager" - Baekhyun
"Paano nga?" - sabay na tanong nila Sehun at Tao
"GPS" - nakangising sabi ni Chanyeol
Bigla namang lumaki ang mata ko sa sinabi ni Chanyeol
"Wahh tama tama!! Ang talino mo talaga Chanyeol" - sabi ko at saka pabirong tinapik tapik ang braso niya dahil katabi ko lang naman siya
"A-ahh hahaha ako pa!"
"Psh. Naisip ko din un. Naunahan niya lang ako" - nakasimangot na sabi ni Baekhyun na nasa kabila ko
"Paano naman natin mattrack sila manager Lee? Di naman naka connect ang mga cellphone natin sakanila" - Kai
"Kaya nga tayo magpplano" - Suho at nagsikumpulan na sila maliban kay Kris at D.O kaya agad silang hinila nila Lay at Luhan
Habang ako? Naiwang nakaupo sa sofa habang abala na silang mag usap usap
"Nakuha niyo?" - Suho
"Ne!" - sabay sabay na sagot nila bago sila nagsibalikan ng upo sa sofa
"Nga pala, isama niyo siya pagbalik niyo sa dorm niyo"
Napalingon ako kay Kris ng sabihin niya iyon kay Suho
Diba monday bukas? Dapat sakanila ako sasama
Hmp! Ganun niya na ba kaayaw saakin at ipinagtutulakan niya na ako palayo sakanila?!
Agad akong tumayo na ikinatingin nila saakin
"Prangkahin mo nga ako!" - sabay turo ko sakanya
"Ayaw mo din ba akong patirahin sa dorm niyo?! Kung ayaw mo saakin sabihin mo lang! Ano bang ginawa ko at ayaw na ayaw niyo sakin?! Isa pa, kung may mapupuntahan lang naman talaga ako. Hindi naman na ako didikit pa sainyo!"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay wala man lang akong nakuhang reaksyon
Nakatingin lang sila saakin na tila ba gulat na gulat
Masyado bang harsh ang mga sinabi ko??
"Ahh wala kasi kami bukas sa dorm Leif" - alangang sabi ni Luhan
"H-ha?"
"Bukas ng umaga aalis kami ng Korea papuntang China. May naka schedule kaming interview" - Xiumin
YOU ARE READING
Operation: Save the Fallen EXO
FanfictionEXO is a a famous and number one KPOP boy group in South Korea. They all love by many fans all around the globe But one day while on their world tour. Their plane crashed causing the sudden death of the EXO Many fans shed their tears for their idols...