Leif POV
Iniuunat unat ko ang dalawa kong kamay habang naglalakad
Panibagong araw matapos ang nangyari kahapon. Napabuga na lamang ako ng hangin at pinilit na ngumiti
Napatingin ako sa daan at nakita kong nakasandal si Tao sa labas ng pinto ng kwarto nila
Lumingon siya saakin at umayos siya ng tayo. Ng makalapit ako sakanya ay bigla siyang humarang sa daan. Tinignan ko siya habang naka cross arm siya sa harapan ko
"Hmm may kailangan ka ba?" - tanong ko
"Totoo bang nagsasabi ka ng totoo? O baka naman ispiya ka lang talaga?"
"Tungkol pa rin ba to sa nangyari kahapon?"
"Alam mo bang maaari ka naming ipakulong sa oras na mapatunayan naming nagpapanggap ka lang!"
"Hindi ako nagsisinungaling" - sagot ko sakanya sa mababang tono ng boses
Ilang ulit ko bang dapat sabihin na totoo ang mga sinasabi ko?
Kung sabagay. Hindi ko sila masisisi
Napakagat labi na lamang ako
"Mas malaki ang posibilidad na nagsisinungaling ka kaysa sa mga sinasabi mong galing ka nga sa hinaharap"
"Pero —"
"Patunayan mo kung ganun. Patunayan mo saakin ngayon mismo"
Seryoso lang siyang nakatingin saakin
Ano pa bang gagawin ko para lang maniwala sila?
"Good morning"
Napalingon kami ni Tao sa likuran ko ng biglang sumulpot si Suho
"Nakahanda na sa baba ang almusal. Di pa ba kayo bababa?" - tanong niya habang nakatingin kay Tao bago lumingon saakin at saka ako nginitian
"Tara na"
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay at marahan niya akong hinila paalis
Chanyeol POV
"Arirang, Arirang, Arariyo..." - pikit mata akong kumakanta ng BUONG PUSO
"Arirang gogaero neomeogandaaaaaaa" - and the I hit the high notes!
"Nareul beorigo gasineun nimeunnnnnnnn!!!!!"
"Haixt! Chanyeol!!!!"
Binalewala ko ang pagsigaw ni Kai at nagpatuloy lang sa pagkanta with hand gesture
"Simnido motgaseo balbbyeongnandaaaaaaa!!! Arirang arirang, arariyoooooo!!!! Hmmmm!!"
Napamulat ako ng mata ng bigla may maglagay ng towel sa bunganga ko at nakita ko na lang na dumaan saakin si Sehun na bago na naman ang kulay ng buhok!
"Heehuniiieee!!!" - sigaw ko sakanya habang nasa bunganga ko pa rin ang towel na inilagay niya
"Ang ingay mo! Ang aga aga" - sagot niya bago pinag krus ang dalawa niyang binti at naupo ng prenteng prente sa sofa
"Pffft! Konting practice pa kasi dumbo!"
Binalingan ko naman ng masamang tingin si dwende na nakaupo malapit lang sakin
YOU ARE READING
Operation: Save the Fallen EXO
FanfictionEXO is a a famous and number one KPOP boy group in South Korea. They all love by many fans all around the globe But one day while on their world tour. Their plane crashed causing the sudden death of the EXO Many fans shed their tears for their idols...