Leif POV
"Wahhhh!!!!"
Nagulat ako ng bigla nalang umiyak si Baekhyun habang hawak hawak pa ang gamepad sa kamay niya habang naka indian seat siya sa may sahig kaharap ang malaking monitor kung saan sila naglalaro ni Chanyeol
"Y-ya! Laro na lang tayo ulit. Malay mo makabawi kana" - Chanyeol
"Makabawi?! I pang tatlong laro na natin to!! Wahhh!"
"Ganyan ba talaga sila palagi?" - tanong ko sa sarili ko
"Haha oo. Kaya pagpasensyahan mo na lang. Masasanay ka rin"
Napalingon ako kay Luhan na nakaupo malapit sa kinauupuan ko
"Hu? Pano mo nalaman ang iniisip ko?" - takang takang tanong ko
"Pfft! Tinanong mo ng malakas kaya narinig ko"
Napaisip naman ako
"Tinanong ko ba talaga yun? Akala ko sa isip ko lang un"
Napatingin ulit ako kay Luhan ng tumawa siya
Pero nalipat din kaagad ang tingin ko sa bagay na hawak hawak niya
"Marunong ka nito?" - tanong niya habang nakataas ang bagay na hawak niya
"Ahh hehe hindi eh"
"Gusto mo turuan kita?"
Di pa man ako nakakasagot ay agad na siyang lumapit saakin at naupo sa tabi ko kaya umusog ako ng kaunti
"Alam mo naman tawag dito diba?"
Sinimangutan ko siya
"Oo naman. Rubiks cube"
Kala ata neto masyado na akong bobo!
"Haha sorry. Malay mo sa panahon na pinanggalingan mo wala na to"
Hindi naman iyan ang mawawala sa panahon na pinanggalingan ko
Napahinga ako ng malalim ng sumagi na naman sa isip ko kung anong nangyari sa panahong pinagmulan ko
"Ayos ka lang ba?"
"Ha?"
"Mukha kasing may problema ka"
"Hu? May problema ka Leif?"
Bigla namang lumapit saamin si Chen na may dala dalang pagkain sa kamay niya
"Ahhh wala naman"
"Binubully ka ba ng mga EXO K? Masyado bang maingay sila Baekhyun? O masyadong istrikto si Kyungsoo?" - tanong ulit ni Chen
"Ahh hahaha hindi naman. Wala namang problema" - sagot ko at saka pilit tumatawa kahit halatang pilit
Nagkatinginan na lang silang dalawa
"Yahhhh!! Nasaan na naman ang wushu stick ko?!"
Napatingin kami kay Tao na kabababa lang ng hagdan habang patingin tingin sa mga sulok
Napansin ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Xiumin na nakaupo sa kabilang sofa
"Anjan lang yan. Ang kalat mo kathi" - Sehun na bago ring dating galing kusina
"Nathaan pala thi itim?" - tanong ni Sehun ng makaupo siya sa single couch
Makaitim naman to. Porket ang puti puti niya
YOU ARE READING
Operation: Save the Fallen EXO
FanfictionEXO is a a famous and number one KPOP boy group in South Korea. They all love by many fans all around the globe But one day while on their world tour. Their plane crashed causing the sudden death of the EXO Many fans shed their tears for their idols...