REBEL CELESTINE
6:30 am.
He's supposed to be here. Nanatili pa rin ako sa labas ng gate at napailing. Ganitong oras daw siya pupunta pero hindi ko pa siya nakikita? I tried giving him the benefit of the doubt. Baka traffic on the way here.
But that's the thing!
Hindi kailanman naging traffic ang daan galing sa kanila papunta sa'min. Ganun na talaga ever since.
Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa batok. Kailangan ko pa naman maging maaga ngayon kasi may ihahanda pa akong presentation kasama ang groupmates ko para sa second period namin.
6:33 am.
Nangako ako sa kanila na maaga ako. Misty is even bugging me! Kanina pa niya tinatawag pangalan ko dahil hindi niya magawa nang tama 'yung sandwich niya. Tama naman eh, maarte lang siya.
Kanina pa ako nagmemessage sa kanya. Mapa-anong social media platform man 'yan na meron kami. Kanina pa naka-open ang Uber na app, nagdadalawang-isip lang ako na i-book.
May tiwala ako kay Thrasher na dadating siya. He will come, wouldn't he?
Habang nakatitig ako sa aking phone, biglang nag-iba ang imahe na nasa screen. Si Thrasher, tumatawag. Padabog ko naman itong sinagot. "Hello?!"
"Belle, I'm sorry. I'm really really sorry. Nakaalis ka na ba?" Base sa ingay na naririnig ko, nasa loob siya ng sasakyan niya. Nakampante ako na nasa kotse nga siya nang bumusina siya.
"No, nandito pa rin ako sa labas ng bahay." Binasa ko ang aking labi na bigla-biglang nanunuyo. "Pupunta ka ba?" There was a glimpse of hope in my voice. I trust Thrasher that he will come. Pinanghawakan ko 'yung sinabi niya.
"Yes. I'm really sorry, Belle. Babawi ako, pinaghintay kita."
Sinubukan kong tumawa, kahit naging peke ito sa pandinig ko. "Lagi ka namang late. It's Thrasher's iconic mannerism."
My fake laugh seemed to have worsened the current aura of our conversation. Pareho kaming natahimik parehas. Kinagat ko ang aking labi dahil sa pagsisisi.
Bakit ka pa kasi tumawa nang ganun, Rebel?!
"Kasalanan ko pa rin. Mannerism man o hindi, hindi tama na paghintayin ko ang girlfriend ko. Kahit limang minuto lang 'yan." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Nandito na ako." At walang pasabing binaba ang cellphone.
Ano ka ba kasi, Rebel! At 'yan, ikaw tuloy ang gagang kinakabahan makita siya ngayon.
Huminto siya sa tapat namin at sumakay naman ako. Medyo nakayuko pa ang ulo ko habang pumapasok sa loob. Nang makasakay na ako ay nilock niya ang pintuan. Bigla na lang akong kinakabahan.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko sa kamay ko. Pinapatunog ko ang screen sa pamamagitan ng pag-tap nito gamit ang mahahaba kong kuko.
"I'll try my best," pagbasag niya sa katahimikan. "Susubukan kong gumising nang maaga. Boyfriend mo ako pero hindi ko man lang magampanan 'yung maliit na responsibilidad ko? Hindi ko deserve na matawag na boyfriend mo."
Nanatili pa rin ang tingin niya sa kalsada, pero alam kong sumusulyap din siya sa'kin.
"Wala ka namang responsibilidad sa'kin, 'diba?" Mahina kong dagdag at tinigil ang paggawa ng tunog sa aking cellphone.
"Wala? I just told you last Friday na ako ang maghahatid sa'yo sa school lagi. Anong wala?" Pasalamat na lang at nandito na kami sa school. Nagpark siya sa usual parking spot niya pero hindi pa rin niya pinapatay 'yung makina.

BINABASA MO ANG
LIMERENCE | JUNGRI
Short Story⠀❝loving never felt this good.❞ 〔 JUNGKOOK x YERIM 〕 ︰DISCONTINUED + NARRATION ︰BANGTANVELVET SERIES ︰IRIDESCENT SERIES ⠀DATE STARTED︰O7.17.18 ⠀DATE ENDED︰OO.OO.OO ⠀HIGHEST RANK︰O8.11.18 - 199 IN SS