06

181 16 14
                                    

REBEL CELESTINE

-

We forgot rule #3 exists. Terribly sorry for being late again. I'll take you home as a sign of peace. Wala akong practice. :>

- Tenderlicious Juicylicious

-

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan habang binabasa ang note na nilagay ni Thrasher sa loob ng locker ko. Tinupi ko ulit ito tulad ng kung paano ito tupiin ni Thrasher at inipit sa likod ng notebook ko.

I'm going to keep all of his notes.

Kumuha ako ng isang maliit na papel. Dito sa papel ko madalas nilalagay 'yung mga homework na binibigay sa'min at iniipit sa harapan ng notebook ko para alam ko kung ano mga gagawin ko.

Pinatong ko 'yung papel sa pintuan ng locker ko na nagsisilbing patungan ko sa pagsulat.

-

Boyfriend obligations? You need to keep trying harder. I went to your practices on time tapos ikaw nalalate sa paghatid sa'kin? No, no.

- ARC

-

On the way na ako sa susunod kong klase. Si Thrasher ay may free time kaya sabi niya sa'kin pupunta raw muna siya sa library para matulog.

Malayo pa lang ako ay nakita kong nakatayo si Thrasher sa harap ng locker niya habang kinakausap si Danger na nasa gilid niya.

Iginilid niya ang kanyang ulo at napangisi nang makita ako. Napailing naman ako sa kanya at sinampal sa kanyang dibdib ang notang ginawa ko at dire-diretso naglakad papunta sa klase ko.

Narinig ko pa ang mahina niyang daing at tawa bago ako tuluyang makalayo sa kanya.

Limang minuto na ang nakalipas at hanggang ngayon, wala pa rin ang teacher namin. Asar. Sana man lang nagsabi siya para hindi na kami nagsayang ng oras kakahintay sa kanya.

━━━━━

thrasher
@thrshr

thrasher
belle! 😋

thrasher
wala kayong teacher ngayon.
last class mo na 'yan, 'diba?

thrasher
samahan mo ako! kain lang
tayo ng ice cream kasama ang
placard doré.

rebel
are you still going to take me home?

thrasher
bakit naman hindi?

thrasher
sama ka naaaaaaaaaa.

rebel
fine.

thrasher
kaso wala si caia. ☹

rebel
okay lang, kasama naman kita.

thrasher
good. nandito na ako sa labas ng
classroom mo, kanina pa. at kanina
pa rin kita tinatawag para lumalabas.

━━━━━

Sumulyap ako sa pintuan ng classroom. Nakatayo siya sa labas, nakadungaw sa salamin ng pintuan. Tinawag niya ulit ako para lumabas kaya kinuha ko na 'yung bag ko at pumunta sa kanya.

"Okay, Belle. Let's have a deal," hamon niya sa'kin habang kinukuha ang bag ko. Pinanliitan ko siya ng mata at ginaya niya ako.

"You'll get to pick my ice cream and its toppings and I'll do the same to you. Let's see who knows who better."

LIMERENCE | JUNGRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon