15

166 13 15
                                    

hue
@huerricane

rebel
i need to tell you something.

hue
ano 'yun?

rebel
puntahan mo ako dito sa bahay.
akyat ka sa bintana ko.

hue
can i bring some beer then?

rebel
two bottles only!

hue
pwede na. eh buttered chicken pwede?

rebel
hue, it's midnight. you can't eat that
kind of fatty foods.

hue
LIFE IS TOO SHORT TO FORBID ME
FROM EATING WHATEVER I WANT.

rebel
you'll die early.

hue
lahat naman tayo mamamatay, sadyang
mauuna lang ako, kung ganun.

rebel
hay, bahala ka.

rebel
pahingi ako ah?

hue
NAGUTOM KA NOH?! HAHAHA.

hue
sabi ko na nga ba eh.

hue
otw na ako. malapit naman ako
ngayon sa bahay niyo.

rebel
at saan ka naman nagpupunta ngayon?!

hue
hehe sa tabi lang.

━━━━━

"Alam kong fake ang relationship niyo ni Thrasher." sagot ni Hurricane pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang lahat ng nangyari.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at kumagat sa chicken. Pinanliitan ko siya ng mata dahil nagdududa ako. Imposibleng malaman niya. We were discreet!

Tumango-tango siya at kinuha ang beer sa inayos kong lamesa para sa'min. "Totoo! Tanungin mo pa si Thrasher." mayabang niyang sabi habang ngumunguya-nguya pa.

"Paano?"

"Ninakaw ko wallet niya noong nakaraang buwan. Kukuha sana ako ng pera pero nabasa ko 'yun sa wallet niya. Imbes na kumuha ako ng pera, tinanong ko na lang siya tungkol doon." sagot niya na parang dapat wala lang sa'kin.

Tahimik na lang akong kumain ng buttered chicken. Ang sarap nitong manok na 'to.

"Typical Hurricane, dapat magagalit ako after knowing. Pero nakita kong nakakalimutan niyang fake kayo. Sa kilos niya, sa ngiti niya at sa mata niya. Kaya hinayaan ko na lang. And you seem very happy!"

Binuksan ni Hurricane ang cellphone niya gamit ang iisang daliri habang may mga pinipindot-pindot. Sumandal ako sa bean bag ko at uminom ng tubig. No beers for me.

Tinulak niya nang mahina ang phone niya kaya nag-slide ito papunta sa'kin. "Tignan mo 'yang convo namin. Halatang hulog na hulog sa'yo si Thrasher."

Babasahin ko pa lang ang convo pero nag-vibrate ang phone at may nag-message kay Hurricane kaya doon napunta ang atensyon ko. Lumaki ang mata ko sa nabasa.

━━━━━

🌪💗
HOY, HURRICANE. BUMALIK KA DITO SA BAHAY. ABA'T! TATAKASAN MO PA AKO? HINDI PORKET GALIT KA SA'KIN PWEDE KANG UMALIS AT GAWIN LAHAT NG GUSTO MO HA. MAG-UUSAP TAYO! AT TALAGANG KUMUHA KA PA NG BEER SA REF KO AT NINAKAW MO 'YUNG BUTTERED CHICKEN NA GAWA KO?! BUMALIK. KA. DITO.

LIMERENCE | JUNGRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon