11

144 15 5
                                    

REBEL CELESTINE

"Come on, Belle," Thrasher teasingly called me while pulling me up. Nagpumiglas naman ako dahil ayaw ko itong naiisip niya.

"Ako'y layu-layuan mo, Thrasher, ha! Hindi ako natutuwa diyan sa idea mo." Pinanliitan ko siya ng mata at hinatak ang kamay ko palayo pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

Kung kanina isang kamay ko lang ang hawak niya, ngayon inabot niya ang isa kong kamay at hinila patayo mula sa pagkakaupo.

"Dali na!" reklamo niya na parang isang bata na hindi nabigyan ng laruan.

"Wala namang tao dito sa dance studio. Tayong dalawa lang naman kaya walang makakakita." Ginaya ko ang mga sinabi niya bilang pang-asar habang gumagawa ng maasim na mukha.

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin na ikinatigil ko nang bahagya. Dahil nanlambot ako nang slight, nahila niya ako patayo.

Marupok ka, Rebel. Basta kay Thrasher, marupok ka.

Wala naman na akong nagawa dahil ito na eh, nakatayo na ako. Nakanguso lang ako habang siya ay ngingiti-ngiti sa harapan ko. Siya lang natutuwa sa nangyayari dito.

"Hindi nga kasi ako magaling sumayaw sabi." mahina kong reklamo. Wala akong ibang panlaban kundi 'yan. Hindi naman siya nagpapadala sa dahilan ko.

"Slow dance lang 'to. 'Wag kang kabahan. Hindi naman kita pagtatawanan."

Huminto siya sa paghila sa'kin nang mapunta na kami sa gitna ng studio. Puro repleksyon ng katawan naming dalawa na magkadikit ang nakikita ko. Dinala niya ang mga kamay ko sa kanyang batok. Pinagsiklop ko naman ito dahil sa instinct ko.

Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya sa baywang ko. Nanlamig ako dahil sa hawak niya. Mas lalo akong nanlamig nang hinila niya ako papalapit sa kanya at sobrang lapit na ng mukha namin.

Mukha siguro akong tanga ngayon. Malaki ang mata ko dahil sa gulat at hindi ko alam ano ang gagawin ko para umiwas. Ngumisi lang siya dahil sa reaksyon ko.

"Tignan mo? Sabi sa'yo hindi maganda 'tong iniisip mo eh. Masyado akong maliit para sa'yo!" kunwari kong reklamo para pakawalan na niya ako at para iiwas ang sarili ko sa kahihiyan.

Ayaw ko nga kasi sumayaw eh!

"What are you talking about? You fit me just right."

Lumapit ang ulo niya sa'kin. Akala ko may gagawin siyang masama pero hindi. Pinuwesto niya ang ulo niya sa gilid ng ulo niya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa'king mga labi. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at nagsimula siyang humuni ng isang mabagal na tono.

Makaraan ang ilang segundo, natigil siya sa paghuni pero ang paggalaw namin ay hindi natigil.

"Baby, I'm..." pagkanta niya. "Dancing in the dark with you between my arms..."

Napapikit ako nang mariin dahil sa pagkanta niya. Nilamig ako dahil sa ganda ng kanyang boses pero mas nilamig ako dahil kinakanta niya 'yan habang sumasayaw kami.

"Barefoot on the grass, listening to our favorite song... When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath..." pagkanta niya habang iniikot ang hinlalaki sa aking baywang.

Ayaw kong pakawalan 'to. Ayaw kong bitawan ang mga ganitong panahon kapag kasama ko siya. 'Wag na nila bawiin 'to sa'kin.

"But you heard it, darling, you look perfect tonight..." pagtatapos niya. At sakto sa pagtapos niya ay ang siyang pagbaba ng kamay ko sa baywang niya para yakapin siya.

Yinakap ko siya nang sobrang higpit. Yinakap ko siya na parang walang kinabukasan at wala akong balak na kailanman bitawan siya. Inayos niya ang pwesto ng kamay niya at binalik ang yakap na bigay ko. Bumuntong-hininga siya pero hindi ito isang pagod na buntong-hininga kundi isang masayang buntong-hininga.

"But the thing is, you don't just look perfect in my eyes tonight. Not just yesterday, not just today, not just tomorrow."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He was looking down at me with no expression at all but I can feel how his eyes pierced inside of me. Nakatutunaw ang paninitig niya.

"But always, Belle... You will always be." he whispered as he looked right into my eyes.

LIMERENCE | JUNGRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon