Chapter 6: Meet my Childhood Crush

272 16 2
                                    

Coreen's POV

Shock and awe flooded me. I am actually lookin' at my grade school crush, Enzo Khris Morales. Why haven't I notice it before? Ngayong alam kong siya yun, nakikita ko nga ang resemblance nilang dalawa. Ganyang ganyan nga si Enzo. Singkit na mata. Matatabang cheeks. At cute na ngiti. Enzo'ng Enzo nga.

"Hi Pangit." he called out with a cute smile. He walked towards me. Nakangiti parin habang nakapamulsa.

Eh bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko! No! Si Khaleb ko lang ang pwedeng makapagpatibok sa puso ko gaya ng ganito! Hindi pwedeng may isa pang lalaki na pwedeng makapagparamdam sakin ng ganito! Especially not around Enzo! No way!

Pinagpapawisan na ako. Leche! Ang kapal ata masyado ng damit ko! Wuhoooo!

I gulped when he halted right in front of me. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. HE'S HUGGING ME! AND I DON'T KNOW WHY!

"I knew it was you." he said while hugging me. And I bet he's smiling.

Itinulak ko siya papalayo. Nagtaka naman siya.

"Bakit ka nandito? Bakit ka bumalik? At bakit mo ako hinahanap?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Ngiti lang ang naisagot niya sakin.

"Clyde, pwede bang mamasyal muna kami ni Coreen? I promise to bring her back in one piece." he said coolly to Kuya Clyde. Napatingin ako kay Kuya Clyde na sa ngayon ay nakangiti.

"Yeah sure, Enzo. Balik kayo around 5, magluluto kami ni Cole ng meryenda." pagpayag naman ni Kuya Clyde.

"Cool." sagot naman ni Enzo. He turned to face me. "Let's go." hinawakan niya ang kamay ko at hinigit palabas ng bahay.

"T-Teka.. Enzo!" tanging nasabi ko. Parang asong tanga lang akong nakasunod sa kaniya. Aish! This is so gonna be a long day.

And we found ourselves sitting on a bench dito rin sa subdivision namin. Magkatabi nga kami ni Enzo, pero may ilang inches sa pagitan.

"It's great to be back.." napatingin lang ako sa kaniya.

Enzo Khris Morales. Kilala ko na siya since 7 years old lang kami. Let's say kababata ko siya. And mind you, he lived right next to us. Well, that was ages ago. And it may be counted as ancient.

He used to be my playmate. His parents and mine are good friends. And I mean it, good good friends. Up to the extent that I overheard them talking about getting us both married at the age of 24.

But really, my young mind can't understand those things before, not until now that I somewhat developed 'knowledge' about certain things.

Si Enzo, simula bata pa lang kami, habulin na yan ng mga batang babae. Ang cute niya kasi. Lalo na yung mga mata niya kapag ngumingiti. Hindi nakakasawang titigan kapag ngumingiti.

Pero yun lang, dati lagi niya akong pinagti-tripan. Hindi naman yung binu-bully talaga. Yun bang tinatawanan. Basta. Syempre, ganun talaga ang mga bata diba? Magkukulitan. Lalo na kapag babae at lalaki.

Minsan nga baril-barilan kami. Hindi ko alam na watergun pala yung sa kaniya. Kaya ayun, basa ako. Tinawanan niya ako.

Pero kahit naman ganun, mabait yang si Enzo. Matalino sa school. At palagi niya akong pinoprotektahan sa mga nambubully sakin sa school nung Grade 4 kami. Batang-uhugin daw ako dahil konting tukso lang sakin umiiyak ako. Mabuti na lang at andyan si Enzo. Laging linya niyan, "Ako lang ang may karapatang magpaiyak sa kaniya."

Pinoprotektahan niya ako sa iba, pero pagkatapos nun, siya naman ang manunukso sakin. Pero yun lang, hindi ako umiiyak kapag siya ang gumagawa nun. Dahil alam ko namang hindi totoo at nakikipagkulitan lang siya.

My Bestfriend Dated My Boyfriend [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon