Coreen's POV
"Where've you been?"
"I-I.."
"I texted you for a gazillion times already. I even called you a couple of times. You weren't answering any of it." he said as he walked towards me with a dark look on his face. This is what I feared. Yung magalit siya.
I checked my phone. Ang dami ngang text message and missed calls. Pagkakaalala ko, nakavibrate at may message alert tone ako, pero ang nakikita ko ngayon, naka-silent ang phone ko. Paanong naka-silent 'to? Kaya siguro hindi ko namalayan na may text at tawag si Khaleb ko. Naka-silent pala ang phone ko.
"I'm so sorry babe.. N-Niyaya kasi ako ni Allie na mag-mall. Itetext naman sana kita kaso masyado ata akong nawili kanina sa mall. Ang dami kasing tinatanong ni Allie. Sorry na." I pleaded. Pinagdaop ko pa ang mga palad ko as a sign ng paghingi ng patawad.
Matamang nakatingin lang siya sakin. Baka kinakalkula kung nagsasabi ako ng totoo. Swear to God! I am!
I was caught off guard when he suddenly pulled me closer and hugged me.
"I was worried about you, goddammit!" he said while hugging me. I smiled and hugged him back.
"I'm sorry. Nag-alala ka pa sakin. Sorry talaga babe." sabi ko habang nakayakap lang sa kaniya.
With his embrace, I can feel I'm safe and secured. I can feel comfort and love.
"Dito ka na sa bahay kumain. Ipagluluto kita ng paborito mong adobo." sabi ko naman sa kaniya that made him smile.
"You really know how to tame a mad guy, huh?" he smiled teasingly.
"Of course. The best way to a man's heart is through his stomach." I winked at him.
He laughed.
Pumasok na kami sa bahay. Dito ko na siya pinakain ng hapunan. Compensation sa ginawa ko kanina. Nagi-guilty tuloy ako. Pero ang mahalaga ay okay na kaming dalawa. Adobo lang pala katapat niya eh. Hahaha.
(Kinabukasan)
Nagulat ako sa nakikita ko. Hinding hindi ako makapaniwala ngayon.
Suot-suot ni Allie yung doll shoes na gustong gusto ko. Yung nakita ko kahapon na sobrang mahal. Sabi niya hindi daw bagay sakin. Pero heto at suot-suot niya.
"Yan yung sapatos na gusto ko kahapon, diba?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa sapatos niya. At tumingin sakin.
"Ay? Eto ba yun? Akala ko kasi yung katabi nun." she said then shrugged her shoulders.
Katabi nun? Pagkakaalam ko kasi walang katabi yun eh. Ah ewan! Hindi ko naman kayang bilhin yun eh. But, it looks good on her. Sakin kaya? Bagay kaya yun?
Naglakad na kami papasok sa room. Sinalubong kami ni Claire. Yung class president namin at ang editor in chief ng school paper at magazine ng school namin.
"Hey Allie. So uhm, may proposal ako para sayo." nakangiting sabi ni Claire.
"What is it?" interesadong tanong ni Allie.
"Gusto ko kasing kunin ka na front cover ng January issue ng Magazine natin." nakangiting sabi ni Claire.
"Medyo busy kasi ako eh." sagot naman ni Allie. Totoo naman yun. Nasabi sakin ni Allie na may mga pending photoshoots siya for certain prestigious magazines in the country. Pinag-iisipan niya pa yun kung tatanggapin niya.
Siniko ko naman siya at bumulong, "Ano ka ba. Go na."
"Kasama mo si Khaleb sa front cover plus my inside story about sa inyo. Ang title kasi nun--"
"I'll do it." mabilis na sagot ni Allie.
Napatingin ako sa kaniya at kitang kita ang ngiti niya.
Sila. Magkasama sila ni Khaleb ko. Nabanggit lang ang pangalan ni Khaleb ko, mabilis na napa-oo siya. May gusto nga kasi siya kay Khaleb ko diba? Kung ako din naman sa lugar niya, papayag kaagad ako.
"What's the title again?" tanong ni Allie kay Claire.
"What makes The Populars popular." proud na sagot ni Claire.
Aish! Bakit ba kasi hindi ako popular na kagaya nilang dalawa. Ordinaryong estudyante lang ako. Na nagka-rank 68 nang dahil kay Khaleb. Kung di dahil sa kaniya, ako ang kulelat dito sa school na 'to.
Average lang kasi kami. Hindi mahirap. Hindi mayaman. Sakto lang. Nakakakain 3 beses isang araw. May bahay at lupa. May kuryente. Tubig. Appliances. Basta. Average lang.
Sa school, napapabilang ako sa Middle Class students. Nasa bracket yan. Depende sa income ng pamilya niyo per month. Hindi naman ganun kalaki ang kinikita nina Mommy kaya napabilang ako dun.
Sina Khaleb at Allie naman, nasa Elite Class. Sila yung mga anak mayaman. Mga tagapag-mana. Mga hindi nakaranas ng hirap. Mga anak ng business tycoons, model, doctors, hoteliers, entrepreneurs, artista, at iba pa. They live to be popular and wealthy.
Pero hindi ako naiingit sa kanila. I have my Khaleb. He's more than the riches they possess. He's priceless and precious.
But sometimes, I wanna be popular. Para mapantayan ko siya. Para wala na kaming problema. Para hindi na ako nanliliit everytime na kinukumpara nila ako sa mga popular na babae na aali-aligid kay Khaleb ko.
"That's good. Mag-uumpisa ang photoshoot bukas." Claire informed. She's smiling like she hit the jackpot.
Naibebenta din kasi ang Mag off premises. Kaya jackpot nga siguro na napagsama niya ng dalawang elite class students.
"Sasamahan mo kami Bessy, diba?" Allie said smiling.
Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi makapagsalita. Pero kinalaunan..
"Sige." tanging sagot ko.
--
(A/N: Short story lang po 'to. Wg kayong magtaka kung masyadong maiksi per chapter :)
Hope you liked it! ^_^
xx, ChachiKawaii
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Dated My Boyfriend [ON-HOLD]
Teen FictionShe's an ordinary girl who has an Arrogant Elite as a boyfriend. And a bestfriend who likes her boyfriend. How will she cope up with situations regarding popularity and money? How will she fight for the one she love? How will she be able to make the...