[7]. Date

1.7K 46 0
                                    



CHAPTER 7: DATE





PRINCE NATHAN'S POV





ONE WEEK LATER



"Kuya! Kuya! Brotheeeeeeeer!!!!!" Napabangon ako dahil sa napakalakas na sigaw.

"Ay bakla!" Sigaw ko

"For your information kuya MAGANDANG BAKLA" Napalingon ako kay Mark Anthony na naka cross arms sa harap ko, tiningnan ko lang siya with my bored facial expression at dumapa ulit sa kama ko.

"Brother naman eh ang hirap-hirap mo talagang gisingin kung hindi lang para kay Kyle my loves hindi ko to gagawin hmp!" Sabi niya

"Kyle?" Tanong ko

"Duhh your bestfriend KYLE my soon-to-be boyfriend HAHAHA! Anyway bumangon ka na diyan dahil kanina ka pa hinihintay ni Kyle, bilis kilos na!!!" Sabi niya at hinila ako patayo.

"Oo na sige na labas na!" Sabi ko

"Uhmm brother pwede bang ako na kumuha ng susuotin mo?" Tanong niya

"What?! Gusto mo na bang mawala sa mundo ha Mark Anthony?!" Sigaw ko

"Hehe joke lang naman brother sige at ako ay aalis na, see you at the campus,babush!" Sabi niya at palabas na sana ng muling bumaling sa akin.

"Brother may pa pipirmahan daw si mom and dad sayo about sa school hmm mukhang ikaw na ang magmamana nun ah" Sabi niya

"Hmm sa wakas magagawa ko na ang gusto kong gawin hahaha" Sabi ko.

"Hoy hindi pa din noh! Kasi sasabihin mo muna kina mommy yung mga gusto mong gawin sa campus at gragraduate ka muna noh Tak babush na nga baka naiinip na si Kyle my loves dun bilisin mo ah" sabi niya at umalis na. Tss,

kahit na at least mapapasaakin na ang MONTEVERDE UNIVERSITY  HAHAHA Ang dami ko kayang plano dun like magpapagawa ako ng club at dun ko papapuntahin yung mga chix sa school hahaha nice!


*****


"Sa wakas bumaba ka na rin! Akala ko isang taon pa akong maghihintay dito eh quarter to 8 na oh malalate na Tayo!" Nayayamot na sabi ni Kyle na nakaupo sa sofa.

"Kain muna tayo"

"Sa cafeteria na lang malalate na Tayo ano ka ba!"

"Sige na nga, let's go!" Sabi ko at sabay kaming lumabas

"May dala ka bang kotse?" Tanong ko

"Oo sa akin ka na sumabay"

"Geh"

Habang nagmamaneho, may itinanong sa akin si Kyle.

"Pre, may date ka na ba this coming JS Prom natin?" Tanong niya habang nakatutok sa daanan ang tingin.

"Wala pa"

"E si Abby?"

" No way!"

"Bakit naman?"

"Hihiwalayin ko na yun mamaya wala naman atang epekto yung ginagawa kong pagpapaselos kay Alexandra, ginawa ko na lahat pre pero wala pa rin, Ang manhid niya sobra tomboy ata yun eh, Alam mo ba nung Friday, pinahiya kami ni Abby at sinabihan NG epal tsk tsk tsk Ang hirap niyang basahin!"dire-diretsong Sabi ko sa kaniya.

"Suko ka na niya? Wala naman atang epekto sa kaniya yang charm mo hahaha" Sabi niya

"Tss ako susuko? No way Wala Yung sa bokabularyo ko and about sa JS Prom hmm mark my words Kyle..... Siya ang date ko!" Masigla Kong sabi.

"Papayag ba yun?"

"Oo noh ako ang bahala!"





ALEXANDRA NICOLE'S POV





"Besh okay ka lang ba? Last week ka pa ganyan dahil ba ito kay Nathan? Ha Xandra?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Allison.

"Hindi noh! Marami lang talaga akong iniisip kaya ganun"

"Ahh okay pero may date ka na ba this coming JS Prom?" Tanong niya

"Wala at hindi naman ako pupunta, itutulog ko na lang Yan"

"Anong hindi? Pupunta ka Alexandra kailangan mong pumuta! Wala akong ka-jamming noh at kung date Ang pinoproblema mo hahanapin Kita!"Sabi ni Allison.

"Kung si Kyle papayag ako pero Kung iba tss 'wag na lang" Sabi ko

"Eh may date na si Kyle eh" Sabi niya

"Hu? Eh sino? Sabihin mo nang mahunting ko!" Sabi ko nang naka face palm.

"X-xandra a-ako y-yung d-date n K-kyle eh" kandautal-utal na sabi ni Allison na mas lalo Kong ikinabigla

"ANO?!" Sigaw ko

"Xandra let me explain-"

"No! No! No!"

"Besh?"

"Ba't ngayon mo lang sinabi sa akin to?"

"K-kasi natatakot ako tsaka Hindi ko rin kasi siya mahindian Kaya pumayag na ako p-pero best kung-" di niya na itinuloy ang kaniyang sasabihin ng bigla Kong itapat ang kamay  ko sa mukha niya.

"Stop! I have to go" Sabi ko at tinalikuran siya,

Tumakbo ako ng tumakbo, namalayan ko na lang nasa rooftop na pala ko, doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.

'Di ko lang talaga matanggap na yung bestfriend ko pa ang aagaw sa taong gusto ko....

"I HATE MY LIFE!!!!!" Sigaw ko

"Why?" Tanong ng tao sa likod ko

"N-Nathan?"

"Yes the one and only. Ba't ka pala sumigaw?"

"None of your business" Sabi ko at tatalikuran ko sana siya ng bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko

"Be my date" Sabi niya

"What?!"

"Be my date this coming JS Prom!" Sabi niya

"Bangag ka ba?!" Sigaw ko

"Please..... I promise after the JS Prom di na kita guguluhin" pakiusap niya.

"Ba't naman ako maniniwala sayo?" Paghahamon ko

"I promise..... Please?" Sabi niya. Sandali akong napaisip, pagbibigyan ko ba siya?.....

The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon