[16]. The Badgirl is back

1.5K 45 0
                                    








CHAPTER 16: THE BADGIRL IS BACK






ALEXANDRA NICOLE'S POV






*Toot toot toot toot*

*Toot toot toot toot*

"Turn off the clock yaya" argh! nakakairita, ang ingay,

*Toot toot toot toot*

*Toot toot toot toot*

"Yaya! I said turn off the clock!" halos mapasigaw na ako dahil naiirita na talaga ako sa alarm clock

Tinakpan ko ang aking tainga gamit ang unan ko. Argh! sobrang naiirita na ako kaya umupo na ako at tinapon ang alarm clock sa sahig.

Umagang-umaga nababadtrip ako, papaano ba naman kasi ang sarap ng tulog ko tapos iistorbohin ako ng isang maingay na bagay.

Argh! boyset! sabay hawak ng dalawa kong kamay sa mukha ko

*Tok tok tok*

Nagulat ako dahil merong kumatok sa pintuan at bumungad sa akin si mom.

"What's that Alex? May narinig akong ingay galing dito sa kwarto mo!" sabi niya habang nakakunot ang kanyang noo.

"Tinapon ko ang alarm clock dahil istorbo sa pagtulog ko" sabay higa ako at binalot ang katawan ko gamit ang kumot.

"Jusme! bakit Alex? hindi ka ba papasok ha?! pasalamat ka nga dahil ginising ka kasi may pasok ka, bakit ha? ayaw mo bang pumasok? sabihin mo lang sa akin dahil madali akong kausap!" hay naku! heto na naman.

"Sagot!"

"Ito na, ito na, sabi ko nga, papasok ako" agad naman akong tumayo.

"Yun lang pala eh, edi kumilos ka na dyan!" at lumabas na nga si momster at sinara ang pintuan. Hay naku! napabuntong hininga na lang ako.

"Bilisan mo ang kilos dyan Alex, kahit na nasa baba na ako at di kita nakikita, alam kong nakatayo ka lang at nakatunganga"

"Opo! Ito na po, kumikilos na po momster"

Mahinang pagsasabi ko ng momster at kinuha ang kumot para tupiin. Diba kahit badgirl ako alam ko rin maglinis at ayusin ang kwarto ko! XD

"Anong sabi mo?"

"Wala po! ang sabi ko heto na po kumikilos na po"

"Ayus-ayusin mo lang"

Grabe naman! Alam na niya talaga kung ano ang ginagawa ko. Ano yun? may magic si momster na kaya niyang malaman kung ano ang ginagawa ng isang tao? kung meron man edi ibilib XD

Pagkatapos ko ligpitin at ayusin ang kama ko, dumiretso na ako sa bathroom. Pagkatapos ko rin maligo kinuha ko ang uniform ko sa loob mg closet at agad ko yun sinuot at inayos ang sarili ko at naglagay lang ako ng powder sa mukha at nagliptint, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung okay na ba ako.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto, bumaba na ako to take my breakfast

Dumiretso na ako sa lameaa at umupo. Sumubo na ako ng bacon with rice, mmm... yummy!

"Oh anak! good morning" tumingin ako sa direksiyon ng boses na iyon at nakita ko si dad.

"Good morning too, dad"

Agad ko nang tinapos ang pagkain ko at lumabas na nang mansion para umabang kay Allison dahil sabay kami papasok.

May narinig akong busina at nakita ko agad si Allison sa loob at lumapit na ako para pumasok na sa loob ng kotse niya.

"How was your day besh?"

"Hindi maganda besh papaanu ba naman-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil dinurugtong ito ni Allison.

"Pinagalitan ka na naman ng mommy mo noh? Sabi ko na nga ba"

"Oo, umagang-umaga badtrip ako, masisira yung beauty ko talaga"

"Ikwento mo nga sa akin ang nangyari sayo kung bakit ka pinagalitan besh"

At agad naman pinaandar ni Allison kaya habang nagmamaneho kiniwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

*Fast forward*

Nang nasa parking lot na kami agaa naman pinark ni Allison kung saan ang vacant. Pinatay na ni Allison ang makina at lumabas na kami.

Habang naglalakad kami papunta sa gate, naiirita na naman ako dahil may nakita akong magjowa. Arg! boyset, walang poreber! tss

Pumunta na kami ni Allison sa sarili naming room. Nawawalan ako ng gana makinig sa Prof. namin.

Nang magbell na, inayos ko ang mga gamit ko at nilagay ko sa bag.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay may nakita na naman akong magjowa. Argh! Di ko alam kung bakit ako naiinis kapag may nakikita akong magjowa. Is it just an accident or they are just appearing infront of me? so ridiculous.

Pumasok na ako sa loob para hanapin si Allison, mabuti na lang nakita ko agad siya, lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Oh besh! andito ka na pala, sige mag-oorder na ako, ano sayo?"

"Isang spaghetti, burger and isa ring softdrinks, kahit ano" sabi ko sa kanya.

"At agad na siyang tumayo at pumila, makalipas ng ilang minuto, bumalik si Allison na may dalang tray at umupo na siya.

"Oh ito na besh! pasalamat ka mabait ako ngayon dahil alam kong kanina ka pa badtrip"

"Ewan ko nga besh kung bakit kanina pa ako nababadtrip"

"Hay naku! ikain mo na lang 'yan"

"Sige, ikakain ko na lang muna 'to besh"

Habang kumakain ako, may nakita na naman akong magjowa, at ngayon 'di ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na ako.

"Uy besh! Where are you going?"

"Panuorin mo ang gagawin ko"

At lumapit na ako sa magjowa

"Babe, who's that girl?" sabi ko sabay hawak sa kamay ng lalaki inshort 'HOLDING HANDS'.

At ang lalaki naman ay halata sa mukha niya na para bang nagtatanong ng 'who are you?'

"Who is she? is she your girlfriend or something?" tanong ko.

"How dare you! You told me that I'm your only girlfriend!" sabi ng babae na para nang nangingiyak.

"Now you know your not" I said in confidently at sumigaw ng malakas ang babae.

"Aaaaaaaaarrggh!!! How dare you lie to me!" sabay turo ng babae sa lalaki.

"No babe! Don't-" at agad kong hinalikan ang lalaki at nagulat naman ang babae sa ginawa ko at agad na siyang umalis sa kinatatayuan niya.


THIRD POV


Habang nakikipag-usap si Alex sa magjowa, hindi niya namamalayan na may nakatingin sa kanila sa hindi kalayuan. Ramdam ng lalaki ang malaking selos.


-----


Itutuloy...

The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon