[21]. Promise

1.3K 50 0
                                    







CHAPTER 21: PROMISE






Andito kami sa mall, paikot-ikot lang ang ginagawa namin hanggang sa may nakita akong mauupuan at umupo, sumunod naman si babe kaya umupo na rin siya.


"Babe, may itatanong ako" sabi niya.


"Ano yun babe?"


"Okay ka na ba talaga? Wala na bang masakit sa iyo? kasi naaalala ko na dapat nagpapahinga ka"


"Okay lang babe, wala naman akong naramdamang sakit eh simula nung nagising ako at nakita kita" pagsisinungaling ko na wala na talaga ako nararamdaman.


"Ikaw talaga babe ah" at ginulo ang buhok ko.


"Hays! hindi naman ako bata para ganyanin mo ako" at inayos ang buhok ko"


"Ang cute mo talaga, halika bili tayo ice cream" At hinawakan ang kamay ko at tumayo, habang hinahanap namin kung saan kami bibili, nakaramdam ako ng awkward, yung feeling na HHWW.


"Wait lang babe, yung sintas mo" sabay tingin sa sapatos ko at sinintasan niya, lalong naging awkward dahil sa tawagin naming 'BABE'.


Hays! Nasa public place pa namin kami kaya dahil sa tinawag niya akong babe at maraming tumitingin at kinikilig na mga tao sa paligid namin at baka napagkamalang mag-jowa kami.


Hindi ko na rin pala namalayan na naglalakad na kami habang holding hands na naman at napatigil kami sa paglalakad na nakita na namin ang hinahanap namin at pumasok na sa loob para pumila.


"Babe maghanap ka na lang ng mauupuan at ako na lang ang mag-oorder, alam ko naman kasi kung ano ano ang paborito mong flavor"


"Sige babe" sabi ko at naghanap na nga ng vacant sit at nakakita naman agad ako at naglakad na baka maunahan pa ako.


Nang makaupo na ako, kinuha ko ang earphone at cellphone ko para magpatugtog.



Playing LOVE STORY by TAYLOR SWIFT



Habang nagpapatugtog ako, nasira ang moment ko ng makita ko lang ang pagmumukha niya, wala namang iba kundi si Abby the slut, boyset! Bakit sila andito? nakakairita.


Panira talagang moment, hmp! Sabay cross arms at tumingin na lang sa labas, tagal naman ni babe, gusto ko nang umalis dito, baka mag world war lll na naman kami nito kapag nagkita kami kaya sa labas na lang ako tumitingin baka sakali 'di niya ako makita o mapansin.


"Babe heto na ang favorite mong strawberry flavor na ice cream" bumalik ako sa sarili ko ng bumulong si babe sa tenga ko at hindi ko rin namalayan na tinanggal niya ang isa kong earphone sa tenga ko para marinig ang kanyang binulong.


"Oh, andito ka na pala"


"Kanina pa kita tinatawag na kain na tayo ng ice cream"


The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon