[13]. Telling the Truth

1.6K 49 1
                                    






CHAPTER 13: TELLING THE TRUTH





"OO!" Sigaw ni Alex Kaya nagulat akong tumingin kay Kyle na halatang gulat din.

"Ano?!" Sigaw ko

"Allison, uwi na tayo" sabi ni Alex at naunang naglakad palabas, sumunod naman si Allison.




ALLISON'S POV:




"Allison, uwi na tayo" Sabi ni Alex sa akin, nang malapit na kami sa exit napatigil si Alex sa paglalakad namin, nakahawak lang ako sa braso niya para alalayan siya baka kasi siya matumba dahil lasing na siya...

"Bitiwan mo ako" Sabi niya at tinanggal niya ang kamay niya sa braso niya at tumalikod... Saan siya pupunta sabi niya uuwi na kami.

"Alex! Saan ka pupunta? Dito Yung exit" Sabi ko

"Hindi ako bulag Allison! Kukuha lang ako ng wine sa loob"

"Pero lasing ka na at tyaka di mo na kaya, Kaya halika na iuuwi na kita sa inyo"

"Sige, pero may isang kondisyon ako" Ani niya

"Anong kondisyon?"

"Bilhan mo ako ng wine"

"Ha? Pero Alex lasing ka na! Wag mo nang pilitin yang sarili mo" ani ko

"I DON'T CARE!" Sigaw niya sa'kin

May napadaan na waiter.

"Hey waiter! Come here" sigaw niya

"Yes ma'am?"

"Dalhan mo ko ng wine dito, BILIS!"

"Yes ma'am at your service" naglakad na siya papasok sa loob

"Alex what is your problem? Ba't mo ito ginagawa?" Tanong ko

"Gusto mong malaman?! Kung bakit nagpapakalasing ako?!"

"Oo!" Tipid Kong sagot.

"Sige, mamaya pag dumating na yung wine"

Tumingin-tingin siya sa paligid kung nandyan na yung waiter. Makalipas ang ilang minuto.

"Ito na po ma'am" Sabi ng waiter at inabot yung wine kay Alex.

"Halika na, punta na tayo sa kotse ko." Ani niya

"Ha?! Anong pinagsasabi mo? Wala kang dalang kotse." Ani ko.

"Anong wala? Diba ginamit natin yun papunta dito?"

"Sinasabi ko na nga ba, lasing ka na eh, yung ginamit nating sasakyan ay yung kotse ni Nathan" Ani ko

"Ganun ba? Eh di magtaxi tayo" Sabi niya at naglakad palabas ng hotel. Paglabas namin, may isang taxing dumaan.

"Taxi!" Sigaw ni Alex kaya napahinto yung driver. Sumakay na kami ng taxi.

"Miss lasing ka ba? Amoy alak ka kasi eh!" Ani ni manong driver

"FYI mama, nagtotoothbrush kaya ako, 'wag mo nga akong pag-" tinakpan ko na ang bibig ni Alex baka kung saan pa ito mapunta.

"Mama, dalhin niyo na lang po kami sa park".

"Sige, sige, pero bubuksan ko lang yung mga bintana baka kasi mangamoy alak dito"

"Hoy mama! Ang arte-arte niyo! Wag mong buksan-," tinakpan ko uli yung bibig niya

The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon