[27]. I Don't Know What To Do

1.2K 40 4
                                    








CHAPTER 27: I DON'T KNOW WHAT TO DO






Nang nasa tapat na ako ng mansion ko, pinunasan ko muna ang mga luha ko para hindi mahalata na umiyak ako at walang nangyari.


Inayos ko muna ang sarili ko at agad ng pumasok sa loob.


Nakita ko si daddy sa sala at nanonood, iikyat na sana ako ng biglang nagsalita si dad.


"Oh anak! Ang aga mo naman umuwi, tapos na ba kaagad ang party?"


"Uhm dad, inaantok na po ako at...boring, sige po dad, matutulog na po ako, goodnight"


"O sige, goodnight din anak"


Nakita ko si mommy kagagaling lang sa kusina.


"Uhm... mommy, goodnight din po"


"O siya! Matulog ka na! goodnight!" Tumalikod na ako at humakbang paakyat ng marinig ko ang sinabi ni dad kay mom.


"Hon! Huwag ka namang ganyan kay Alex"


"Hon! I don't care, matutulog na ako, goodnight!"


Nang makarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto ko, narinig ko ang mga yapak at nakita ko si mommy.


"Mommy?" Napatigil si mom sa paglakad at nagcross arms.


"What?"


"N-nothing" at yumoko.


"Tsk! Wala naman pala eh, patawag tawag pa sa akin" at dumiretso na siya sa kwarto nila, hindi ko na napigilang umiyak, why mommy? Ba't ganyan ang trato niyo sa akin?


Pumasok na nga ako sa loob ng kwarto ko at humiga.


Bakit ganito ang buhay ko? Ang gulo! Pagod na ako, hindi ko na alam kung ao ang gagawin ko.


Ano ba talaga Alex ang nararamdaman mo kay Nathan? Inlove o hindi?



*Ting*



Biglang tumunog ang cp ko, si babe nagtext.


Babe: Busy ka ba bukas?


me: Hindi naman, bakit?


Babe: Pwede bang magbonding tayong dalawa?


me:Sure! Why not? Malakas ka sa akin noh!


Babe: Thank you babe!

me: You're always welcome babe, see yah tomorrow, goodnight.


Babe: Goodnight din.


Pagkatapos namin magtext ni babe, humigana ako at natulog, bukas mawawala rin ito at sa nangyari kanina.



====KINABUKASAN====



Nagising ako ng maaga, hay! Sana ganito lagi ang buhay ko, PEACE, walang problemang iniisip.

Bumangon na nga ako at naligo, pagkatapos kong maligo, agad ko namang kinuha ang cp ko at nakita ko agad ang text ni babe.

Babe: Pupuntahan kita kapag nag 8:00

me: Okay


Pagtingin ko sa orasan 6:38 palang, ang aga ko palang nagising, Himala! Patin na rin si babe, bwahahaha...


The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon