[8]. New Enemies

1.7K 45 0
                                    






CHAPTER 8: NEW ENEMIES






"Okay" Ang sagot ko.

Napag-isipan kong pumayag nalang para sa ikakatahimik ng buhay ko at hindi ako magpapaapekto sa sinabi ni Allison.

Ang magagawa ko na lang ay ang tanggapin yun dahil dun masaya ang bestfriend ko.At pagtyagaan tong Nathan na 'to hmp!

"Pumayag ka na?" Tanong niya

"Ano ba sinabi ko?" Mataray kong sagot

"Okay" Sabi niya

"So pumapayag ako...... Bobo" Sabi ko -_-

"Hoy! Anong Bobo?" Sabi niya nang nakaturo sakin

"Wala" Sabi ko at umupo dahil wala ako sa mood makipag-away ngayon. Agad naman siyang tumabi sakin at tinitigan ako.

"Ba't ka pala sumigaw kanina?" Tanong niya nang titig na titig sakin

"Wala" Sabi ko dahil di ko naman kailangan sabihin sa kanya yun kasi di ko pa siya gaano kakilala.....

"Sige..... Kung ayaw mong sabihin okay lang Basta nandito lang ako pag may problema ka" Sabi niya

"Wooow! Ba't ang bait mo ata ngayon?" Tanong ko

"Mabait naman talaga ako ikaw lang naman tong masama ang ugali"

"Hoy! Mabait ako sa mabait noh!" Pagdedepensa ko sa sarili

"Tss, di halata"

"Ayoko na nga! Di na ako pamapayag! Tsk..... Nang-iinsulto ka pa" mataray kong sabi at tinalikuran siya.

"Uyy joke lang yun ang bait mo nga eh sobrang bait mo! Maganda na mabait pa haha" pang-uuto niya sa akin

"Che! di mo'ko mauuto noh! Ayoko na talaga!"

"Alex naman, joke lang yun"

"Eh ba't kasi ako marami namang iba diyan ah at-"

"Kasi ikaw ang gusto ko!" Sigaw niya na ikinabigla ko sandaling katahimikan ang nangyari........

"A-anong sabi mo?" Tanong ko

"Ikaw ang gusto ko..... na makadate sa Prom" bumagasak ang balikat ko dahil sa sinabi niya tsk akala ko ako yung gusto niya tss......

"Bakita ako?" Tanong ko

"Kasi iba ka"

"Iba?"

"Hindi ka katulad ng ibang babae...... At Isa pa ikaw lang at ang walang gusto sa akin" Sabi niya

"Tss eh andami mo kasing babae...... Cassanova!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya.


Katahimikan.........


"G-ganon talaga pag gwapo, maraming maghahabol, ikaw lang Yung Hindi kasi manhid!" Sabi niya

"Yucks! Kabahan ka nga diyan sa sinasabi mo..... Gwapo? Saan Banda? At hindi ako manhid non!" Sabi ko

"Tss if I know may gusto ka rin sa akin pero di mo lang sinasabi"

"Hahaha in your dreams! Diyan ka na nga!" Sabi ko at nag walk-out, narinig ko pa ang napakalakas niyang tawa.

Habang naglalakad papunta sa cafeteria, nag vibrate Ang phone ko kinuha ko at binasa.....






From:0908*******

See u on Saturday! Magpaganda ka ah para bagay tayo hehe^_^






Napakayabang talaga eh di naman gwapo tss..... Agad naman ako nagreply







To:0908*******

Gago!






Pagkatapos kong isend yung message ko ay naglakad na uli ako nang biglang

BOOOOOGSSSHHHH!!!

"OMG! My favorite shirt, Mommy! Daddy!"

Hala may nabangga ako pero babae ba'to o lalaki kasi napakapormang panlalaki pero naka make-up..... BAKLA!

"Di ko sinasadya, tumayo ka na dyan" Sabi ko at ilinahad ang kamay ko sa kaniya.

"No way! Alisin mo nga yan ang dirty hands mo ewww!" Maarteng saad nito.

Grabe siya na nga ang tinutulungan siya pa ang maarte tsk tsk tsk =_= tapos dirty daw ang kamay ko.... Argh!!! Ginagalit ako ng baklang toh!

"Hoy baklang mukhang alien! Mas dirty yang hands mo tss dirty na nga yang mukha mo dahil sa napakaraming blush-on dirty na pati shirt mo tss buti nga sayo!" Sabi ko...

"Walangya kang babae ka! Ikaw na nga tong may kasalanan ikaw pa ang galit..... Di mo ba ako kilala? Ako lang naman ang bestfriend ng kapatid ng may-ari nitong campus...... My name is-" di niya na natuloy Ang sasabihin niya ng may biglang tumawag sa kaniya

"Yayan!" Sigaw ng babaeng payaso dahil sa sobrang kapal ng make-up

"OMG! Kiana help me she's hurting me!"


The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon