[11]. Prom Night

1.7K 58 0
                                    







CHAPTER 11: PROM NIGHT





ALEXANDRA NICOLE'S POV






"We're here!" Sabi ni Nathan at nauna na siyang lumabas.

"Wooow! Ang ganda naman dito...... Sobrang yaman niyo pala Nathan?" Sabi ni Allison habang nakatingin sa hotel.

"Hindi naman Allison namamalikmata ka lang" pagtataray ko at lumabas na ng kotse dahil alam kong hindi ako pagbubuksan ng date ko.

"Anong hindi? Bulag ka ba?"

"Hindi pero kaya kitang bulagin kung hindi ka tumahimik diyan."

"Ewan ko sayo halika na nga Kyle." Nauna na sila pumasok sa hotel, naiwan kami ni Nathan.

"Oh! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Di pa ba tayo papasok?"

"S-sabi ko nga let's get inside na" he held his hand to me tss I just ignore it at nauna nang naglakad papasok.

"Wait!" Sabi niya at sumabay sakin. Nagulat ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko.

"U-uyy ano ba"

"Date tayo kaya kailangan ganito"

"Gago! Chansing ka lang eh"

"Of course not ganito talaga ginagawa ko sa mga date ko"

"Huwag mo kong itulad sa kanila. Bitaw nga!" Pinalo ko yung kamay niya kaya napabitaw siya.

"PLEASE WELCOME PRINCE NATHAN MONTEVERDE AND HIS DATE MS. ALEXANDRA NICOLE PEREZ. WHAT A LOVELY COUPLE" announce ng emcee, pero teka parang pamilyar to hmm? Ah yung bakla to na nabangga ko tss yung baklang kuneho......

"Uyy ba't ang tagal niyo?" Tanong ni Allison

"Wala" sagot ko


*****


"And now let us call the king and queen for their prom dance" Sabi ng emcee.

"Can I take this dance?" Sabi ni Kyle kay Allison, halatang nagblablush si bruha XD!

"Okay" mahinhing niyang sagot. Inabot ni Allison ang nakalahad na kamay ni Kyle at siya'y tumayo hmp! Pakilig-kilig ka pang nalalaman sa crush ko! Naiwan tuloy kami ni Nathan sa mesa namin.

Naiinggit tuloy ako kay bruha na ka sayaw niya si crush.

Dapat ako yun! Pasalamat siya bestfriend ko siya kung hindi kinaladkad ko na palabas sa hotel na ito.

"Can I take this dance? Babe?" Bigla akong bumalik sa sarili ng marinig ko lang ang salitang BABE.

'Di ko Rin namalayan na nakatayo na siya sa gilid ko at inilalahad niya ang kamay niya sa akin.

Napilitan ko na lang iabot sa kanya ang kamay ko kasi kami na lang ang natitira dito sa mesa at pumunta na kami sa dance floor.

Nilagay ni Nathan ang mga kamay ko sa leeg niya at ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Napairap na lang ako sa ginawa niya.

"Look straight to my eyes,babe"

Di ako makatingin sa mata niya, di ko alam kung magagalit ba ako o kinikilig sa mga pinagkakagawa niya.

Argh! I hate this feelings, di ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayong gabi.

"Babe ka dyan!" Ani ko na parang di ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko dahil parang naiilang ako pagtumitingin siya sa akin.

The Casanova Prince is Inlove With The BadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon