MoL 6: Sirius = Friends?

22 0 0
                                    

MoL 6: Sirius = Friends?

Reagan's POV

Huh? Bakit ang saya-saya yata ng mga tao dito?

"La lalala~" Pagkanta ni Sasha habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

Hindi na nakapagtataka ang isang ito dahil masaya na talaga siya noon pa man.

Pero si Kaycee? Sumasayaw? Unbelievable.

"I got a boy, ansjabsbwn boy kanxjsshdj!" Pagsabay niya sa tugtugin habang sumasayaw.

"Ang galing! Kay ganda namang lyrics niyan, hija." Pang-aasar ni Leigh kay Kaycee.

"'Di wow! Sabayan mo nalang ako-! Don't stop! Lemme put it back to 1.40!" Sigaw niya pa habang sumasayaw.

Tumayo naman si Leigh at sumabay sa pagsayaw ni Kaycee. Nagkunwaring napa-facd palm pa si Viviane pero kalaunan ay nakisayaw-sayaw na rin sa dalawa.

"Oh! Oooh weyooo! Oooh weyooo~!" Sabay sabay na pagkanta nila habang sumasayaw.

"Okay. We only have five minutes to go to our classes. Tama na po 'yan." Ang killjoy na si Kim na pinatay ang speaker.

"Psh. Pwede namang takbuhin eh." Nakangusong bulong ni Kaycee habang sinasabit sa kanyang mga balikat ang bag.

Kunyaring pinagtaasan siya ng kilay ni Kim kaya ngumiti-ngiti naman ang babaitang nagngangalang Kay.

"Come on, vamonos! Everybody let's go!

" Tumalon-talon pa siya habang naglalakad patungo sa pintuan.

Nagtatanong akong tumingin kay Kim.

"Masaya lang 'yan dahil tapos na ang mission ng Sirius at ngayon na sila magbabalik." Pagpapaliwanag niya.

"Uh huh! Kay doesn't want to be the center of attention kasi kaya siya happy. Syempre, they will make pansin na the Royalties kaya they will leave Kaycee alone na." Conyong pagpapatuloy ni Sasha.

Hay. Oo na lang, Sasha.

***

"Foods! Aking pinakamamahal!" Si Leigh na tumakbo papasok ng Cafeteria pagkatapos ng klase namin.

Sa ingay niya ay naistorbo ang ibang mga estudyante kaya't tinitignan nanaman nila kami ng masama.

"Luh? Pake niyo ba?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa mga babaeng nang-iirap sa amin.

"Leigh! Huwag mo nang patulan. Mabuti pa't pumila ka nalang doon at paubos na ang pinakamamahal mong Pancit Canton." Pagsiko ko sakanya at tinuro ang nagtitinda ng Pancit Canton na dunudumog na ng mga estudyante.

"Oh no, you don't! My beloved!" Kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa at kumaripas ng takbo para makipagsiksikan sa mga bumibili.

(Sornah, guys! Eng sherep keshe ng Penshet Centen sa skel! Ehe! 😇🙏)

"Hay nako." Napatampal nalang ako sa aking noo habang pinapanood ko ang kaibigan kong sumisigaw ng "'Teh, 'teh!".

Magic of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon