MoL 11: Tiles and Lines

5 0 0
                                    

MoL 11: Tiles and Lines

Leigh Kirsten's POV

"Ree! Gising na!" Pagkatok ko sa pintuan ni Reagan.

It's so unusual of her to wake up late. Magkasama kasi kami noon sa iisang apartment kaya sanay akong maaga siyang gumigising.

"Breakfast is ready!" Sigaw ni Kim mula sa kusina habang nilalapag ang niluto niyang bacon and hotdog.

Si Kaycee ang nagprisentang mag-ayos ng hapag kaya kaming dalawa ni Sasha ang nautusang gisingin 'yung tatlo.

Masyado 'ata silang nastress sa evaluation ni Miss Bella!

"Reagan Althea!" Mas nilakasan ko ang pagkalabog sa pintuan niya.

Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na tahimik na lumabas si Kenz mula sa kwarto niya, si Viviane naman ngayon ang ginigising ni Sasha.

"VIVIANE!" Malakas na sigaw niya na may kahalong malakas din na pagkatok.

"Sandali!" Malakas din na sigaw ni Viviane mula sa loob ng kwarto niya.

Napakaingay talaga ng dalawang 'to. May kaakibat bang kadaldalan kapag maganda ang boses?

Iniling ko ang ulo ko para hindi na ako makapag-isip ng kahit anong mandidistract sa akin at nagpatuloy na sa pagkatok.

"Reagan!-" Sisigaw pa lang sana ako nang padarag niyang binuksan ang pinto.

"Oh shit!" Nasabi ko bago humagalpak ng tawa!

She looks like a zombie na nadouble dead!

"Tawa ka lang diyan. Masaya ka, eh, 'no?" Blangko ang mukhang tugon niya sa'kin.

"Shocks, Ree! Anong nangyari sa'yo? Mukha kang panda na may insomnia kaya mas lalong kumapal ang dark circles!" Narinig ko ang pagtawa nina Kim at Kaycee mula sa kusina dahil narinig nila ang sinabi ko.

"Happy kayo?" Sarkastikong tugon niya sa amin bago tatamad-tamad na dumiretso sa lababo sa may kusina para maghilamos.

"Ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan mamaya." Humihikab at inaantok pa na pagpiprisenta ni Viviane.

Sa aming pito ay kaming dalawa pa lang ni Kim ang nakabihis na, nakapantulog pa sila at wala pang ligo.

"Ako na, sist. Maligo ka na lang mamaya." Ako habang umuupo sa upuan sa tapat ni Viviane.

"Wow! Bait naman natin, sist! Medyo plastik lang naman talaga 'yung sinabi ko kanina at umaasa talaga akong may magmamagandang-loob sa inyo para tulungan ako!" Tumatawang sagot ni Viviane.

Kamuntikan ko na siyang masaksak ng tinidor!

Sinusubukan ko na ngang maging mabait, eh. Hmp!

Pinabayaan ko na lang si Viviane dahil baka mataga ko na siya, umagang-umaga.

Nagsimula na kaming kumain noong makaupo na si Reagan sa tabi ko.

Magic of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon