MoL 12: Frog Princess
Viviane Zalea's POV
"Saang lupalop na naman kaya pupunta 'yong si Kenz?" Tanong ko sa dalawang babaeng kasama ko.
May pa hangin hangin pa siyang nalalaman, sus!
"Hayaan mo na, baka kinakabahan din kaya nangailangan ng fresh air." Si Reagan na kanina pa hikab ng hikab.
"'Yung totoo, 'teh. Natulog ka ba kagabi?" Tanong ni Leigh sa kaibigan niya.
"Medyo." Walang kwentang sagot ni Reagan.
Antok pa siguro 'to, wala pang kwenta kausap, eh.
"Hey there, sweetheart." Agad akong napalingon kay Levi na prenteng nakasandal sa pader habang nakakrus ang mga braso. Mukhang may hinihintay.
"Stop with the endearments please. Hindi ako binigyan ng pangalan ng mga magulang ko para lang tawagin mo akong ganyan." Ismid ko sa kaniya.
Ngumiti muna siya bago tumayo ng maayos, "Sorry, babe. Napadaan lang ako para makita ka."
Galing. Parang walang narinig.
Hindi ko siya sinagot at walang buhay lang akong tumingin sa kaniya dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
Tumawa na naman siya bago tuluyang lumapit sa akin, "Goodluck sa evaluation, Viviane."
He placed a hand on my head bago ginulo gulo ang buhok ko.
Ayos lang naman, hindi naman ako nagsuklay.
"Thank y-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang dumating ang iba pang miyembro ng Sirius.
"Levi! What are you still doing here? Malapit nang magsimula ang class natin." Pagtapik ni Hunter sa balikat niya.
Nagkaroon kasi ng welcoming party noong isang araw na nagbalik sila kaya alam na namin kung sino si ganito at ganyan. Ewan ko lang kay Kenz kung nakikinig ba 'yon.
"I'll skip, man. Pareho lang naman ang itinuturo nila sa atin." Simpleng sagot niya habang saglit na nilingon ang kaibigan, pagkatapos ay binalik niya agad sa akin ang mga tingin niya.
"Tinatamad na naman siguro, Hunter. Hayaan na natin 'yang isang 'yan." Si Miya na bumuntong hininga na lang dahil dito kay Leviathan.
"You're so quick to judge, Miyalla. Panonoorin ko ang girlfriend ko, okay?" Nagpeke siyang nasasaktan at madrama pang humawak sa may dibdib niya.
Nang ibalik na naman niya sa akin ang tingin niya ay ngumiti siya ng malapad at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"M-manonood ka? Huwag na, Levi..." Nahihirapan at mahina ang boses kong sabi sa lapit ng mga mukha naming dalawa.
Nalukot naman ang mukha niya at nginuso niya ang pangibabang labi.
"Pero gusto ko-" Nagsimula siyang yugyugin ako na mabilis ko rin namang pinahinto.
"Tumigil ka nga, Levi! Hindi kami sanay na ganyan ka, jusmiyo!" Si Macy na parang nagulat sa inaakto ng lalaking 'to bago niya pinunasan ang noo niya.
"Ano bang meron? May performance ba kayo, Leigh?" Narinig kong tanong ni Dianne kay Leigh na nasa likuran ko.
"Sana nga performance na lang. Kaso kasi..." Hindi niya matapos ang sasabihin dahil namamawis ang mga kamay niya na pinupunas niya sa suot niyang palda.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
FantasyMackenzie Daniella Saldivar and Viviane Zalea Antonia were considered queens in Middleton High. On the other hand, their rival school, Kenzington University had Reagan Althea Villamer and Leigh Kirsten Velasquez. They were matched in a game of badmi...