MoL 14: Reason
Reagan Althea's POV
"Will she be okay?" Nag-aalalang tanong ni Viviane habang nakahawak sa kamay ng walang malay na si Mackenzie.
"'Wag kang mag-alala, Vivi. Kaunting pahinga lang ang kailangan niya." Pagngiti ni Kim bago inayos ang mga aparato na nakadikit kay Mackenzie.
Dinala kami rito sa Clinic ng Sirius habang si Miss Bella ay pumunta kay Headmistress.
Pagkatapos kaming painumin ni Kim ng isang berdeng likido ay naging maayos na rin kaming tatlo.
Nakaupo si Viviane sa tabi ni Kenz habang nakatayo kaming dalawa ni Leigh sa likod niya. Ang Sirius ay nakapalibot lang sa amin habang palihim na sumusulyap-sulyap sa leader nilang bagong dating.
Si Levi na ang bumasag sa katahimikan nila para paalalahanan si Viviane, "Babe, you have to rest, too." Magaan ang boses ng prinsipe.
"I'm fine, Levi. Si Kenz ang inaalala ko, her screams sounded like she was in so much pain..." Hindi nag-angat ng tingin si Viviane na para bang normal lang ang tinawag at sinabi ni Levi.
They actually make a good couple. Ngayon ko lang napansin.
While I was staring at Leviathan, napansin ko ang mga titig sa akin ng katabi niya.
Kamahalan.
Ngumiti siya ng nakaloloko nang mapansin niyang nalipat ang tingin ko sa kaniya.
Nag-iwas ako ng mga mata bago pa may makahuli sa akin. Ngunit sa ginawa kong paglingon kay Leigh ay ang malisyosang ngiti niya agad ang bumungad sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay na ginantihan niya ng pagkurot sa braso ko.
Gumalaw galaw pa ang kilay niya bago siya palihim na tumawa.
Viviane is worrying for Mackenzie! This isn't the time to play around.
Palihim kong tinampal ang braso niya kaya nagpeke siya ng ubo para magseryoso.
"Mukhang maayos naman na ang lahat. I'll go ahead, I'm sleepy." Saad ng prinsipeng mapungay ang mga mata na si Rafael bago tumalikod at nauna nang lumabas.
"Mauna na rin kami, Viviane, Leigh, Reagan. Para makapag-usap kayo." Pagngiti ni Dianne bago hinila ang mga kasamahan.
Sumunod sa kanila sina Andre at Sage kaya si Levi nalang ang natirang kasama namin.
Nakatingin lang siya sa nobya hanggang sa nagtaas ito ng ulo para lingunin siya.
Binigyan siya ng isang maliit na ngiti ni Viviane, "Will you be fine, Viviane?" Malambing na tanong nito na tinanguan ng huli.
Ngumiti siya at lumingon siya sa amin ni Leigh para magpaalam na tinanguan naming dalawa. Tumalikod na siya at kaming lima nalang kasama si Kim ang naiwan.
They both act as if they've been in a relationship for a long time.
Parang noong nakaraan lang ay hindi pumapayag itong si Viviane at inis na inis pa kay Levi.
Natapos na sa pag-aayos si Kim ng mga ginamit niya kanina kungkaya't nagpaalam na rin siya para bumalik sa klase.
"Guys, nga pala, bibisita raw mamaya sina Kay at Sasha. Magpahinga rin kayong tatlo, ha?" Paglingon muli ni Kim sa amin.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
FantasyMackenzie Daniella Saldivar and Viviane Zalea Antonia were considered queens in Middleton High. On the other hand, their rival school, Kenzington University had Reagan Althea Villamer and Leigh Kirsten Velasquez. They were matched in a game of badmi...