MoL 3: Magic Dimension?!
Viviane's POV
What the hell?!
Bakit ang dulas?! Nasaan ang friction?! Niloloko lang ba ako ng Science teacher ko n'ong Elementary?! Hindi naman slanted ang sahig!!!
Oh. My. God.
Babangga kami.
BABANGGA KAMI!!! WAHHHH!
Magkakapantay nalang kami nila Kenz, kanina kasi ay nakasunod lang kaming tumatakbo ni Leigh Pugita sa likod nila Reagan.
"Nasaan na 'yung bata?!" Hinihipan ang buhok na tanong ko.
Masyado yata kaming na-distract sa frictionless floor kaya nawala sa isip namin si BBGurl.
Yeah. 'Yung batang hinahabol nila si BBGurl.
"Lord, sana po hindi tumama ang ulo ko. Ayoko pong makalimutan ang mga Oppa ko." Pft! Gandang panalangin ah, Leigh Pugita.
Masyado naman yata 'tong nilamon ng K-Drama. Amnesia? Hindi ba pwedeng deretsong patay na?
Joke lang po. Sorry, God, for I have committed a sin.
Ang bait ko talaga.
Ayan na! Tatlong ruler nalang. Bakit ang bilis ng pagdulas? Huhu. Kanina pa kami tumigil sa pagtakbo eh. Naiiyak na 'ko.
Tumili si Leigh gamit ang matinis niyang boses nang isang ruler nalang ang pagitan naman sa painting.
Ouch! Napapikit kaming tatlo dahil sa isang misteryosong liwanag na lumabas mula sa frame ng painting at... Sige! Dahil na rin sa matinis na boses ni Leigh Pugita.
Kaming tatlo lang. Kanina pa nakapikit 'yung Pugita eh.
A-ano 'yun?
Bakit ang kati sa ilong? Anong nangyari sa painting? Bakit wala akong maramdamang sakit?
Siguro masyado na 'kong nasanay masaktan kaya parang wala na lang ito. Sa sobrang sakit na nadama ko noon ay walang-wala ang impact ng pagtama ng katawan ko sa isang weird na painting.
Last ko na po 'yun. Sorry na po.
Dahan-dahan kong binuksan ang kaliwang mata ko.
A-ano 'to? Bakit may something na umiikot-ikot sa'min na may glitters na blue?
Umiling-iling ako at pinagsasampal ang maganda kong mukha.
"Hoy, Balimbing! 'Wag mong sampalin ang mukha mo. Baka mas lalo kang pumangit." Narinig ko ang nakakairitang boses ni Leigh kaya binuksan ko na ang mga mata ko.
"N-nasaan tayo?" Tanong ko.
Hindi ba't may hinahabol kaming bata sa may Horror Booth?
Anyare?
"Aba ma." Nagkibit balikat ang Pugita.
Bakit parang familiar? 'Di ba ito 'yung nasa painting?!
"Hello!" May mallit na boses kaming narinig.
Hinanap ko ang pinanggalingan at may nakita akong mallit na fairy sa kamay ni Kenz.
"You're... A FAIRY?!" Gulantang na sabi ni Kenz habang ine-examine ang nasa palad.
Ang kyut!
"Hindi ba obvious?" Umirap 'yung isa pang fairy na nakahalukipkip habang lumulutang sa ere.
"Oy, Ella! Ba't ang ano mo diyan? Si Ruby ang nagdala sakanila dito, be nice!" Inirapan nung fairy sa palad ni Kenz 'yung "Ella".
"Alam kong si Ruby ang nagdala sakanila dito, kaya nga tayo inutusan na sunduin sila, 'di ba? Ang utak, Rosa, please. Pakigamit."
Ay ang taray naman pala!
"Bakit? May sinabi ba akong hindi mo alam na si Ruby ang nagdala sakanila dito? At excuse me, ginagamit ko ho ang utak ko. Baka ikaw diyan, puro kainosentehan ang laman niyang utak mo."
Aba! Lumalaban si fren!
"Buti inamin mong inosente ako. And wala akong sinabing may sinabi ka na hindi ko alam na si Ruby ang nagdala sakanila dito."
Away! Away!
Habang nagbabangayan ang dalawang fairy, bumulong si Reagan na sumingit daw kami.
"Woi! Pigilan niyo! Baka magpatayan." Mariing bulong niya.
"Ahmm, excuse me lang ha." Ako na ang sumingit. Nakakahiya naman eh.
"Yes?" Sabay nilang sabi. Mataray 'yung tono nung Ella at bigla namang bumait ang kay Rosa.
Pwede magtanong?" Naglakas ng loob na akong magtanong. Alam kasi namin kung sino si Ruby eh 'no? Alam kasi naman kung nasaan kami ngayon eh.
"Sure!"
"Ahmmm, nagtatanong ka na."
Si Rosa 'yung nagsabi ng "Sure!" at si Ella nanamam dun sa pilosopo.
Sungit ni Ate! Pati 'yung isa eh! Pero mukhang sa "bestfriend" lang niya siya "mabait." Halatang close silang dalawa.
Syempre! Kay Mackenzie lang yata ako nagpapakatamad, 'no? 'Pag sa iba kasi, feel nila lagi akong hyper kaya panindigan nalang.
"What's this place? Pinas pa ba 'to?" Ang galeng! Ako nagsabi ng "Pwede magtanong?" pero si Pugita 'yung nagtanong! Masyado namang ginalingan! Falakfakan!
"Ah, nope. Malayo na 'to sa Philippines." Slang na sagot ni Ella, the violet fairy.
Umirap muna si Rosa, the blue fairy, bago sumagot. Si Ella yata ang inirapan, "Nasa Magic Dimension po kayo! Yey!"
Pumalakpak pa siya at tumayo na mula pagi-Indian sit sa palad ni Kenz.
Inikot-ikutan niya kami kaya napaulanan kami ng blue na glitters na lumalabas mula sa pakpak niya.
Ahhh, nasa Magic Dimension lang pala eh. Pero wait... MAGIC DIMENSION?!
________________
Yieee! Special mention sila baby at bebs. Puso~Short update. Na-inspire lang ho ako kay fren.

BINABASA MO ANG
Magic of Love
FantasyMackenzie Daniella Saldivar and Viviane Zalea Antonia were considered queens in Middleton High. On the other hand, their rival school, Kenzington University had Reagan Althea Villamer and Leigh Kirsten Velasquez. They were matched in a game of badmi...