MoL 15: Nandito Na
Leigh Kirsten's POV
"That is so cool!" Kumikinang ang mga matang tili ni Sasha.
"I mean, duh! You, guys, broke the MPF!" Sinabayan niya 'yon ng pagpalakpak na parang tuwang-tuwa siya sa nangyari.
"Ano ang sinabi ni Miss Bella?" Tanong ni Kaycee.
Nagkibit ako ng balikat bago sinubo ang apple na hiniwa niya, "Pumunta siya kay HM." Sagot ko sa gitna ng pagnguya.
"Leigh, swallow your food first." Pagsuway sa akin ni Ree.
Ngumuso ako at lumunok bago sumagot, "Opo, Mommy."
Tinawanan kami ni Viviane nang hampasin ni Reagan ang braso ko sa pagtawag ko sa kaniya ng Mommy.
"Paano kung pagdudahan nila kayo... Like what I did before." Parang naguiguilty na nagyuko ng ulo si Kay.
"Come on, we all know naman na hindi kayo spies." Pag-iling ni Sasha habang natatawa.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil 'yon din ang pinag-usapan namin kanuna.
"Hindi ba't nasabi niyo na rin na ang Headmistress nga ang may gusto na nandito kayo. So, I think there's no need to be worried." Si Kim habang pinapainom niya kay Mackenzie ang kaparehong likido na ininom namin kanina.
"Siya rin ang nagbigay sainyo ng Elemental Wands, 'di ba?" Tanong ni Kay na parang inaanalyze ang mga pangyayari.
Sabay sabay ang naging pagtango naming apat sa tanong niya.
"Posible kayang plano ni HM ang lahat ng ito?" Naningkit ang mga mata niya sa pagdududa.
Bago pa kami makasagot ay mayroong nagbukas ng pinto.
Si Miss Bella.
***
"Miss, bakit po kami pinapatawag ni Headmistress?" Magalang na tanong ni Reagan habang tahimik kaming naglalakad tungo sa opisina ni HM.
"Regarding your performance during our Evaluation." Simpleng sagot nito nang hindi kami nililingon.
Tumigil siya sa paglalakad kungkaya't tumigil din kaming apat na sumusunod sa kaniya.
Hindi niya pinasama sina Kim kanina dahil may importanteng sasabihin daw si HM.
"Nga pala, saan niyo nakuha ang matinding enerhiyang ipinakita niyo kanina? Matagal niyo na bang ginagamit ang kapangyarihan ninyo?" Tanong ni Miss Bella.
Siguro ay iniisip niyang aware na kami sa kapangyarihan namin noon pa man.
"You're mistaken, Miss. We only knew about Magic when we came to this world." Simpleng eksplanasyon ni Mackenzie habang tinutupi ang sleeves niya.
Nagdala kanina ng pamalit na damit sina Kaycee. The dresses were stunning but sorry, they were too uncomfortable to wear.
Buti na lang at dumaan sila sa dorm bago nila kami pinuntahan sa Clinic.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
FantasyMackenzie Daniella Saldivar and Viviane Zalea Antonia were considered queens in Middleton High. On the other hand, their rival school, Kenzington University had Reagan Althea Villamer and Leigh Kirsten Velasquez. They were matched in a game of badmi...