010 | Valerie

537 62 4
                                        

Nandito na kami ngayon sa resort ni Jane. Yung friend ko dito sa Canada. Dito niya kami pinag stay dahil gusto niya daw akong makasama ngayon sa I said yes.

Nang makababa kami sa van ay agad sumalubong sa akin si Jane at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Gosh! I missed you so much, Val." Sabi niya sa akin ng kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"I missed you too, Jane." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Btw, these are my friends from Philippines."

"Hi! I'm Jane Schetz. Nice to meet you guys." Pero nakita ko siyang nakatingin lang sa iisang lalaki at yon ay yung kapatid ni Denver. Don't tell me gusto niya si Demeter?

Ginreet naman nila pabalik si Jane. After non ay pumasok na kami sa loob ng beach house nila.

"Enjoy your stay here." Sabi niya sa amin at umalis na dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin.

Nag divide na kami kung sino ang makakasama namin sa room and kasama ko sa room ay si Bel. Nagpunta na kami doon sa kwarto namin at inayos ang mga gamit namin.

"Bel," Tawag ko sa kanya habang naka upo ako sa kama. "Gisingin mo nalang ako kapag mag s-swimming na."

"Okay. Sleep well." Sabi niya at lumabas na ng kwarto namin. Humiga na ako at natulog.

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon