029 | Demeter

409 52 1
                                    

"Ano namang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin ngayon?" Tanong ni Valerie sa akin.

Hindi ko na kailangan pang magpaligoy ligoy. Kailangan ko ng aminin ang lahat lahat. At simula ngayon, hindi na kasinungalingan ang sasabihin ko sa kanya.

"Sorry, Val." Panimula ko at umupo sa kama niya at hinawakan ang kamay niya. Pinipilit niyang alisin ang kamay niya pero hindi ko iyon binitawan kaya hinayaan niya nalang sa huli. "Aaminin ko, oo nagsinungaling ako nung una sayo. Hindi naman talaga kita gusto pero simula ng magsama tayong dalawa, simula ng maging tayo at nung nakipaghiwalay ka sa akin akala ko wala akong nararamdaman para sayo pero nung malaman kong naaksidente ka doon ko lang narealize na mahal na pala talaga kita."

Bahagya naman itong napatawa dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon?

"Mahal mo ako? Gago gasgas na 'yang line mo. Mukha bang maniniwala pa ako sa mga sasabihin mo? After all the lies you gave to me?" Nakita kong nangingilid na ang mga luha niya. "Pwede ba? Umalis ka na dahil ayaw na kitang makita pa!" Sigaw niya at nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Sumilip ako sa kanya bago ko pihitin ang door knob at lumabas sa kwartong 'yon. Nagulat naman yung mga kasama namin kanina nung lumabas ako pero di ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ako sa hospital.

Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod na paaalisin mo ako ulit ay hinding hindi na mangyayari yon.

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon