Nabitawan ko ang phone ko dahil sobrang sakit ng ulo ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit dahil parang binibiyak ang ulo ko. Nagsimula na ding maglabasan ang mga luha ko.
"Valerie! Anong nangyayari sayo?!" Tanong ng isang boses.
Hindi ko masyadong makita ang itsura nung pumasok sa kwarto ko. Tinulungan niya akong tumayo at inihiga ako sa kama ko.
"Ang sakit!" Sigaw ko habang hawak pa din ang ulo ko.
May biglang nag flash na images sa utak ko. Isang lalaki at babaeng naguusap at umiiyak yung babae. Tapos ay may isa pang image, isang babaeng patawid sa daan at nabangga ng truck.
Nang medyo nawawala na yung sakit na nararamdaman ko ay ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Sino yung dalawang tao na nakita ko?
"Okay ka na ba?"
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Demeter na alalang alala sa akin. Siya pala ang tumulong sa akin.
"Oo. Salamat." Sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Sige na. Magpahinga ka na." Sabi niya bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mata ko kaya pinunasan ko ang luha ko. Bakit ba biglang tumulo ang mga ito? Wala namang masakit sa akin ah.
BINABASA MO ANG
The Truth Untold
Historia Corta[ e p i s t o l a r y # 2 : ( b a n g t a n v e l v e t s e r i e s # 2 : Bae Joohyun x Kim Taehyung ) ] "But I still want you." Story Rankings: #1 in Taerene #3 in Btsvelvet #56 in Series #12 in Epistolary #8 in Irene #35 in True Love #12 in Red Ve...