Binaba ko ang phone ko at tumingin sa dagat. Sobrang peaceful ng paligid ko ngayon at kailangan na kailangan ko itong atmosphere na ito.
These past few days kasi hindi ako mapakali. Parang may kakaiba akong nararamdaman simula nung mag comments yung Ganda Ka sa post ni Denver.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Isang malalim na boses ang nagsalita sa likuran ko. "Ano ba 'yang iniisip mo?" Tanong niya ulit.
Umupo naman siya sa tabi ko habang nakatingin siya sa dagat kaya binalik ko ang tingin ko doon.
"Nakita mo ba yung comment nung Ganda Ka sa post ni Denver?" Tanong ko sa kanya.
"Oo." Tipid niyang sagot.
"Totoo kaya ang sinasabi niya or fake lang?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Gusto mo bang malaman ang totoo?" Seryosong tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin ito sa akin. May alam siya?
"Oo gusto kong malaman ang totoo."
Ilang minuto akong naghihintay ng sagot niya pero bigla nalang itong tumayo at pinagpagan ang sarili.
"Pumasok na tayo dahil ang lalim na ng gabi." Sabi niya at nauna ng pumasok sa beach house.
He's acting really strange lately simula ng makilala ko siya. Alam niya ba ang lahat?

BINABASA MO ANG
The Truth Untold
Short Story[ e p i s t o l a r y # 2 : ( b a n g t a n v e l v e t s e r i e s # 2 : Bae Joohyun x Kim Taehyung ) ] "But I still want you." Story Rankings: #1 in Taerene #3 in Btsvelvet #56 in Series #12 in Epistolary #8 in Irene #35 in True Love #12 in Red Ve...