"Val!" Sigaw nilang lahat pagkapasok nila ng kwarto ko dito sa hospital.
Lumapit silang lahat sa akin at isa isa akong niyakap maliban kay Demeter na nakatayo lang sa isang sulok. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag aalala sa akin pero hindi na ako magpapauto sa kanya.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Maribel sa akin.
Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko sila. "Bakit niyo tinago sa akin?" Walang emosyon na tanong ko sa kanila.
Napatigil naman silang lahat sa ginagawa nila at nanlaki ang mga mata. Kitang kita ko kung paano sila mag usap sa mga tingin nila.
"A-Ahh nakakaalala ka na, V-Val?" Nauutal na tanong sa akin ni Pritz.
"Oo, nakakaalala na ako. Naalala ko na kung paano niya ako lokohin." Walang emosyon na sabi ko sa kanila.
"Val," Tawag niya sa akin at lumapit sa akin. "Mag usap tayo."
Pagkasabi niya non ay lumabas sila lahat at natira nalang kami dalawa dito sa loob. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan?
BINABASA MO ANG
The Truth Untold
Short Story[ e p i s t o l a r y # 2 : ( b a n g t a n v e l v e t s e r i e s # 2 : Bae Joohyun x Kim Taehyung ) ] "But I still want you." Story Rankings: #1 in Taerene #3 in Btsvelvet #56 in Series #12 in Epistolary #8 in Irene #35 in True Love #12 in Red Ve...