004 | Valerie

681 64 0
                                    

Nagising ako dahil may sumusundot sa pisngi ko. Tinabig ko ang kamay non at nagtalukbong ng kumot.

"Baby, wake up already. I'm here." Narinig kong sabi ng isang boses dahil doon ay napadilat agad ako at napatayo sa pagkakahiga ko.

Nakita kong nakangiti sa akin si Denver. Omyg! Nandito na si Denver!

"Baby!" Sigaw ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap naman niya ako pabalik.

"Easy, baby. Hindi naman ako mawawala." Tapos ay humalakhak siya.

4 months ko kasi siyang hindi nakita dahil bumalik siya sa Pilipinas kasi may inaasikaso siya.

"I missed you so much." Bulong ko sa kanya.

"I missed you too." Sabi din niya sa akin.

Umalis na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ngayon ay nakaharap na ako sa kanya. Namiss ko siya. Mas lalo siyang gumwapo.

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Tara baba na tayo. Nandoon mga kasama ko pati mga kaibigan mo." At nilahad niya ako kamay niya sa akin kaya kinuha ko iyon at sabay na kaming bumaba.

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon