Epilogue

549 61 16
                                    

Nasan ako? Bakit ang dilim tapos ang lamig pa. San ako dinala nung mga panget kong kaibigan tsaka kapatid? Takot pa naman ako sa dilim.

"Hoy! Kapag kayo pinagtitripan na naman ako papatayin ko kayo!" Sigaw ko kahit na alam kong wala namang makakarinig sa akin.

After kong isigaw 'yon ay biglang umilaw ang paligid. Hala shet ang ganda. May stage sa harapan ko at nakapalibot ang mga ilaw sa buong park. Ako naman ay nakaupo sa gitna sa loob ng puso gawa sa roses. Anong pakulo na naman ito?

Ikaw na ang may sabi

Na ako'y mahal mo rin

At sinabi mong

Ang pag-ibig mo'y di magbabago

Nang marinig ko ang kantang 'yon ay napaangat ang tingin ko sa stage at doon ko nakita si Demeter. My heart started beating so fast.

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?

Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba

After 5 months, ngayon ko nalang ulit siya nakita at sobrang namiss ko siya. At hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya. Kahit niloko niya ako ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

'Di ba nila alam

Na tayo'y nagsumpaan?

Na ako'y sayo at ika'y akin lamang

Binitawan niya ang mic at bumaba sa stage para lumapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong niya sa akin at pinunasan ang mga luhang patuloy lang sa pag agos. "Diba sabi ko naman sayo hindi ako susuko at babalik ako?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Gago wala kang sinabing ganun sa akin." Humihikbing sabi ko sa kanya.

"Meron pero hindi sayo." At niyakap niya ako ulit. "Namiss kita ng sobra, Val."

"Namiss din kita, Demeter."

Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at lumuhod sa harapan ko.

"Valerie, alam kong nagsimula tayo sa lokohan lamang. Niloko kita pero sa huli minahal din kita ng totoo. Ngayon, di ko na sasayangin ang pagkakataon na ito dahil baka makuha ka pa ng iba." Natawa ako sa sinabi niy at the same time naiiyak na naman. "Valerie, will you be my girlfriend again?"

"Yes, I will."

Niyakap na naman niya agad ako. I miss his hugs and I miss him so much.

"I love you, Val and that's the truth untold that I am keeping from everyone."

- End -

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon