Nalaman ng mga mayayaman kung saan ang hangganan ng siyudad at simula ng rebolusyon nang utusan nilang tumubo ang palay at di ito sumunod.
Binilang ng mga manggagawa sa pabrika ng sardinas kung ilang rebolusyon na ba ang naganap sa kasaysayan ng sangkatauhan ngunit nagkulang ang daliri nila.
Natutunan ng mga edukado ang ugat ng rebolusyon nang ituro sa kanila na "A is for apple," hindi para sa mga taong nangangailangan nito.
Walang lingua franca ang rebolusyon.
Walang 'ako' sa rebolusyon.
If the revolution falls in a forest and no one is around to hear it, does it make a sound?
May sakit ang rebolusyon at ikaw ang lunas.
Nahanap ng mga mahihirap ang rebolusyon sa matabang na sabaw ng cup noodles na pinagsasaluhan ng 5 tao at isang sanggol tuwing tanghali.
Gabi.
Umaga."Kain tayo, o."