2

23 0 0
                                    


May multo sa isang opisina. Kung sino siya bago siya maging multo ay walang nakakaalam. Walang pamilya, walang edad, walang bahay. Pangalan lang ang meron siya, Mark. Pinangalan to ng boss ng kumpanya sa kanya. Sa oras ng trabaho ay nagtatrabaho rin siya. Pag-lunch, nagla-lunch din siya. Pag-OT ay OT din siya. Dumating ang araw na napansin ng mga katrabaho ni Mark na may mga bakas ng dugo sa lahat ng pupuntahan niya. "Mark, magpatingin ka na. Baka kung ano na yan." Abala si Mark. May hinahabol na deadline ang team niya. Mahirap na, lalo na't nagtatanggalan ngayon. Baka masilip ang quality o mga late niya. Matapos ang ilang buwan ay naipasa rin ng team niya ang proyekto. Natuwa ang mga clients. Nag-extend pa sila ng kontrata. Masaya ang buong office. Ngunit sa kabila ng lahat ay namatay si Mark. Bumulagta siya sa gitna ng opisina. "Sayang naman," sabi ng isa. Buntong-hininga. Isa-isang bumalik sa kanya-kanyang kompyuter ang mga tao nang lumabas ang boss nila sa kwarto nito. Di porket natapos na nila ang isang proyekto ay pwede na silang magpahinga.

Hunyango Man ang Tao Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon