7

11 0 0
                                    


Pay day. Inabangan ng lahat ang lunch para masilip ang laman ng kani-kanilang bank account. Inisip ng isang New Hire kung saan mapupunta ang unang sahod habang pinapaubaya ang kanyang card sa ATM. Menos renta sa dorm, menos tubig, kuryente, pamasahe, pangkain, menos pambayad sa utang. "Manlibre ka naman," sabi ni Edgardo Manansala, na ang phone name ay Kylie, paminsan ay Ri-ri o China. Masarap sanang kausap si China kaso queuing. Saang station kaya siya uupo? Nagpalit ba siya ng sched? Sino kaya siya bukas? "Syempre bagong sahod kelangang manlibre, o di ba? Me ganon?" Sabay tawa. Nagsitawanan din ang mga team mates niyang nakaabang sa pila ng ATM. Tumawa rin ang New Hire. "Sige una na ako." Sabay pasok sa elevator. Baka bukas dumating na.

Hunyango Man ang Tao Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon