Guinevere's Pov
So ayun nga po saturday ngayon at kailangan ko nang mag-ayos actually 5:30 pm na mas maganda daw kasi dun kapag gabi at meron din naman akong 5000 pang 3weeks ko na yun. Tapos ngayon kailangan ko pang maghanap ng masusuot. At maya-maya pa ay nakahanap narin ako ng masusuot actually naka plain grey sweater ako na tinerno ko sa ripped jeans at converse shoes.Ayan ayos na hihintayin ko nalang si zach dito actually kilala na sya nila manang pero yung parents ko hindi pa at wala akong balak sabihin. Close naman sila agad nila manang at sigurado naman akong ligtas ang sikreto ko kila manang. Maya-maya pa ay may narinig narin akong busina ng kotse kaya agad na akong bumaba para hindi na kami matagalan pa sayang din ng oras eh. Pagkalabas ko ng bahay nakita ko kaagad si zach ang gwapo niya sa suot niya promise ang hot niya tignan habang nakatutok sa phone niya pero ewan ko kung anong trip nito at bakit naka mask.
"uy inlove na ka nanaman sakin nyan tara na baka matagalan pa tayo." sabi niya psh nakatitig na pala ako sakanya ng ganun katagal.
"Anong trip mo at naka mask ka?" tanong ko na ikinatawa niya ng bahagya.
"Wala lang dagdag pogi points kasi pag ganun pero naisip ko na natatakpan yung gwapo kong mukha kapag meron nito kaya tatanggalin ko na" sabi niya habang may pagmamayabang sa tono well gwapo ka naman talaga eh haha^^
"psh pasok na tayo sa kotse noh? baka gabi na tayo makarating" sabi ko kaya napatawa nalang siya at pinagbuksan ako ng pinto.
After 50minutes nakarating din kami malapit nga lang samin ito ang ganda dito sobra.
"Ang ganda dito, malapit nga lang pala ito" manghang sambit ko.
"Sabi ko sayo magugustuhan mo talaga dito eh" sabi niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero Hindi Pwede
Novela JuvenilYou still make me smile even though you're the reason why i'm sad...... they said Love has no age limits pero bat ganun bakit hindi kami pwede oo alam kong bata pa kami pero mahal namin ang isa't-isa oo mahal ko sya pero mas pinili kong lumayo para...