You still make me smile even though you're the reason why i'm sad......
they said Love has no age limits pero bat ganun bakit hindi kami pwede oo alam kong bata pa kami pero mahal namin ang isa't-isa oo mahal ko sya pero mas pinili kong lumayo para...
Wengya naman tong si zach kanina pa toh nakayakap sa likod ko tapos aamuyin pa yung batok tsk kala mo talaga ilang taon nawala eh.
"Hoy ano ba kanina kapa dyan" sabi ko sakanya.
"Ang bango mo kasi ano bang pabango yan?" tanong nya sakin.
"Bakla kaba?" tanong ko sakanya tsk bakla ata toh eh.
"Hindi" maikling sagot niya tapos bumalik nanaman sa batok ko.
"Eh bakit ka nagatatanong kung anong pabango ko? bibilhin mo ba?"
"para matandaan ko kung ano yung amoy mo" sagot niya na dahilan ng paglakas ng tibok ng puso ko.
"eh hindi pa naman tayo magkakahiwalay eh FYI grade 7 palang tayo" sabi ko.
"Pano kapag nalaman ng parents mo yung tungkol satin?" tanong niya.
"Hindi yan basta mag-iingat lang tayo" sagot ko naman sakanya.
Actually nandito kami ngayon sa garden ng school namin syempre dito lang naman kami pwede magkita at maging sweet eh tahimik kasi dito tapos konti lang yung tao, yung feeling na malaya ka kung anong gusto mong gawin atsaka hindi kami pwedeng lumayo baka kasi makita kami ng parents ko.
"Natulala ka?" tanong nya ikinakurap ko.
"wala may iniisip lang"
"Tungkol ba satin yan?" tanong niya.
Napabuntong hininga nalang ako bago magsalita. "Hayst iniisip ko kasi kung pano kaya kung maggala tayo eh kaso pag baka mahuli tayo ng magulang ko eh"
"Problema ba yun? sige sa sabado punta tayo sa satya graha cafe " sabi niya
"saan yun?" tanong ko sakanya.
"Medyo malayo yun dito pero promise maganda dun" sabi niya.
"Ehh pano ako manghihingi ng pera sa parents ko?" tanong ko sakanya.
"Don't worry libre ko na atsaka may kotse kami at may driver ako kaya hindi na natin kailangan ng pamasahe" sagot niya.
"ay wow payaman si kyah" sabi ko na ikinatawa niya.
Pagkatapos ng 25minutes ng pagtatambay namin sa garden nag-ring narin yung bell kaya nandito na kami sa room absent nga si alexia eh ano kaya nangyari dun. At ang bwisit pa dun kanina ko pa napapansin tong si Hyacinth na nagpapacute huta ang halay pre.
"Hoy magtigil ka nga dyan ang sagwa promise" pagsaway ko sakanya tsk eh sa diko na kaya eh.
"Hmp ano ba wag kang magulo nakatingin kasi si fafa arc sakin tch" mahinang bulong nya sakin na dahilan ng aking mahinang pagtawa. "Wews so kailangan talagang magpa-cute?"
"Ihh wag ka na ngang mangealam dyan tch ang ganda ko kaya duhh" sabi niya sabay irap sakin. Aba may pa-irap pa ang bruha.
"Sus pacute pa eh basted din naman" sabi ko sabay irap din sakanya.
"Tsk eh ikaw hmp Pashota-shota pa mamamatay din naman" sabi niya sabay irap din aba batukan ko nga. "Aray ah"
"Duhh ayoko ngang mamatay ng single" sabi ko sabay irap ulit.
"Hmp kahit ako din naman eh kaso kasi single pa ako eh" sabi niya sabay pout.
"Tsk bata pa tayo kaya marami ka pang mahahanap dyan malay mo nasa gilid-gilid lang" sabi ko sabay talikod sakanya.
"Hmp eh gusto ko si arc eh" mahina niya pang bulong pero diko na pinakinggan pa dahil dumating na yung teacher namin.
Hmm..hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung pano kaya kung legal kami? pano kaya kung tanggap ng parents ko ang magka bf ako tsk mukhang imposibleng mangyari yan. Nakakainis lang kasi isipin na talagang bawal talaga may karapatan din naman kaming magmahal ah tao din kami nagmamahal, nasasaktan at nagkakamali. Alam ko namang iniisip lang nila ang nakakabuti para sakin pero kasi hindi ba nila naiisip na nakakasakal na? tsk ang hirap pala ng pinasok ko.
Naputol ang iniisip ko ng biglang may nambatok sakin at pag-tingin ko sa kaliwa ko as usual si hyacinth nanaman hayst.
"Kanina kapa lutang dyan at kanina kapa tinatawag ni zach and guess what?"
"What?!" Iritadong tanong ko sakanya.
"Hehe uwian na" sabi ni zach habang nagkakamot ng batok.
"What?! anong oras na ba?" gulat kong tanong shit ibig sabihin ganun kahabang oras akong nakatulala?! WTF.
"OA mo bess 6:30pm na kaya let's go na uuwi na tayo" sabi niya habang nag-aayos ng gamit niya.
"haha let's go I'll take you home" sabi ni zach habang binubuhat yung bag ko at inalalayan akong tumayo.
"Ha? What if they caught us?" tanong ko kay zach.
"huh? hindi yan hinatid nga kita nung dati" sabi niya.
"Ay oo nga noh sige tara sayang ng pamasahe" sabi ko na ikinatawa niya.
Habang nasa kotse kami napansin kong kanina pa tumitingin si zach tapos maya-maya iiiwas nya.
"May sasabihin ka?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang pagtataka.
"Ah wala gusto ko lang sabihin na tuloy tayo sa sabado" sabi niya.
"Sure ka yun lang?" tanong ko na may halong paghihinala.
"A-ahm gusto ko lang i-ibigay ito sana ingatan mo at sana magustuhan mo" sabi niya na may pagka-utal. At dun ko lang napansin na may hawak pala siyang maliit na kahon at ang laman yata nito is kwintas. Box palang maganda na.
"Wow ano yan?" tanong ko.
"Ahm b-buksan mo nalang dun sa inyo wag dito nakakahiya kay manong" sabi niya na dahilan ng pagtawa namin ng driver niya na si manong irving.
"hay nako iho wag kanang mahiya" sabi ni manong.
"kaya nga" pag sang ayon ko kay manong
"E-eh basta sa bahay nyo nalang" sabi nya at napansin ko ding namumula yung pisngi niya waahh^^ ang cute haha di yata sya sanay na maging cheesy haha.
"binata ka na nga talaga iho" sabi ni manong at nagtawanan kami, marami-rami din kaming pinag-usapan syempre sinali na namin si manong.
At maya-maya nakarating narin kami sa bahay.
"bye ingat kayo ni manong" paalam ko at bababa na sana ako nang bigla nya akong hinalikan sa pisngi at may binulong sakin.
"I love you" sabi niya at aalis na sana ako ng bigla nya akong hinila ulit shit nakakahiya kay manong. "Wala bang sagot dyan?" tanong nya na dahilan ng paglakas ng tibok ng puso ko.
"A-ano I-Ilove you t-too" nauutal kong sagot at ginulo nya yung buhok ko.
"Haha Good pasok kana sa loob goodnight" sabi niya na ikinatulala ko bwiset ka talaga zach.
"B-bye" sabi ko at nginitian niya lang ako shit ang gwapo nya.
Pagka-alis nila pumasok na ako agad sa bahay at pagpasok ko nakita ko sila manang thessa na naglilinis pa hala hindi pa ba sila matutulog at nasan sila mom and dad?
"oh manang bat dipa po kayo natutulog? nasaan po sila mommy?" tanong ko kay manang thessa na halata mong nagulat.
"Jusmiyo na bata ka nagulat naman aku sayu!" sigaw ni manang na muntik ko nang ikatawa dahil sa bisaya accent nya haha ang cute ni manang.
"Sorry po pft n-nasan mo sila mommy?" sabi ko kay manang habang nagpipigil ng tawa.
"Ay nako may business trip daw sila sa U.S" sagot ni manang thessa.
"Ay ganun po ba sige po akyat napo ako sa taas"
"Hindi ka na ba kakain?" tanong ni manang.
"Busog po ako manang sige po akyat napo ako goodnight po" sabi ko sabay akyat papuntang kwarto.
Pagka-akyat ko nagbihis muna ako at pagkatapos kong magbihis binuksan ko ang kahon na binigay sakin ni zach at wow ang ganda ng kwintas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
hmm.. bukas na bukas susuotin ko ito...at bibilhan ko din syempre si zach para fair pero sa ngayon matutulog muna ako haysst.. Goodnight earth!!