Someone's POV
Balang araw lalabas din ang katotohanan, katotohanang isa kang demonyo at lalabas din na ikaw ang may kagagawan ng lahat kung bakit sila nagka ganito.
Zach's POV
Nakakasawa na putek paulit-ulit nalang ganito yung eksena ng buhay ko nakaka-gago na.
"Zachy anak kumain kana" mahinahon at nakangiting sambit ni mom.
"Susunod nalang po ako"
Pagkalabas ni mom ay agad naman akong tumayo sa higaan at naligo na, pagkatapos kong maligo ay nag-ayos nako at napatingin sa salamin.
Nakita ko kung gano kalaki ang pinayat ko.
Napabuntong nalang ako ng hininga.
Pagbaba ko nakita ko agad sila ahsey, mom and dad.
"Goodmorning" tipid ngiti kong banggit at umupo na sa upuang katabi ni ahsey.
Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si mom.
"Zachy anak are you ok? Well I know you're not, sabi ng teacher mo hindi ka raw pumapasok sa lahat ng subjects, at nakikita ko sa mata mo yung pagod anak hindi ka rin kumakain, nag-aalala na ako sayo"
"I'm sorry" sabi ko sabay yuko.
"Anak hayaan mo muna si yesha siguro, ang laki ng pinayat mo at yung eye bags mo ang laki na at yung buhok mo naman hindi na tulad dati na laging maayos anak please move on and let her go ayusin mo muna ang sarili mo. I know it hurts pero anak wag naman yung mananatili ka dyan sa sakit na nararamdam mo kasi kahit magmukmok ka dyan wala paring mangyayari"
"And look you're a mess now, look at your face, your body. Zach mas mabuti siguro munang mag-aral ka muna maybe someday magkita ulit kayo" sabi ni dad.
"Anytime pwede siyang makakilala ng iba dad lalo na't bata pa kami" walang emosyong sambit ko.
"Zach mahal ka niya tingin mo ba mapapalitan ka niya ng ganun-ganun nalang?" tanong ni mom.
"Iniwan niya naman ako ng ganun-ganun nalang diba?" I said with a sarcastic tone.
"Wala kayong magagawa anak, magulang niya ang kalaban niyo at hindi rin magandang tingnang itanan mo siya sa murang edad son just wait for her."sabi ni dad.
Hindi nako sumagot at kumain nalang.
Naglalakad ako sa hallway nang biglang sumulpot nanaman si alexia.
" Hi boo papasok ka na ba sa first subject or sa lahat ng subjects? " nakangiting tanong niya tsk kaya nga papuntang room diba kasi papasok ako ang BOOboo mo.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso nalang sa room.
Langya may surprise quiz amp. Buti at napag-aralan ko na toh.
Nagsosolve ako sa papel nang biglang may nagbato sakin ng papel na naka bilog pagtingin ko si alexia nanaman.
Tinapon ko lang yung papel tsk masasayang lang oras ko.
Natapos na ang klase at recess na as usual wala nanaman akong gana kumain.
"Boo tara kain tayo sabay tayong mag lunch daliii ang payat mo na oh" sabi niya pero diko siya pinansin pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila papuntang canteen.
"Let go of me"
"I won't do that sorry" sabi niya at ngumiti.
Hinayaan ko nalang siyang hilain ako sa canteen dahil kung itutulak ko toh malamang ang layo ng talsik nito.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero Hindi Pwede
Teen FictionYou still make me smile even though you're the reason why i'm sad...... they said Love has no age limits pero bat ganun bakit hindi kami pwede oo alam kong bata pa kami pero mahal namin ang isa't-isa oo mahal ko sya pero mas pinili kong lumayo para...