CHAPTER 20

38 2 0
                                    

Zach's Pov

Tatlong linggo na simula nung umalis sya at iwan ako pero hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari yung pakiramdam na parang kahapon lang lahat nangyari yun.

Halos di ako makatulog at makakain di rin ako makausap ng maayos dahil lagi akong nakatulala at tahimik. Oo bading tingnan pero mahal ko siya eh.

Simula rin nung naghiwalay kami lagi naring pumupunta sa bahay si alexia at tinatawag niya akong "Boo". Nakakapikon kasi kahit anong taboy ko ayaw parin tumigil.

Kamusta na kaya siya? Sana hindi siya pinapahirapan doon. Bakit ba kasi kailangan pang humantong dito.

Natauhan ako bigla nang may biglang pumulupot sa braso ko na ikina-inis ko kaya tinanggal ko kaagad.

"Boo naman eh kanina pa kita tinatawag kaso tulala ka nanaman" Pag iinarte niya tsk imbis na magsalita ay naglakad nalang ng mabilis para di niya maabutan at dumiretso sa garden kung saan kami nagsimula......... At nagtapos. Napayuko nalang ako ng may konting luhang pumatak mula sa mata ko kaya pinunasan ko ito agad nang may tumapik sa likod ko.

"Pre iyak nanaman? Di na nagsawa?" tanong ni arc pero diko lang toh pinansin at ito nakatulala nanaman.

"Alam mo kasi magkikita pa kayo sigurado ako alam kong challenge lang toh sainyong dalawa" sabi niya ulit. Yeah magkikita, magkikita pero hindi na babalik yung dati. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.

"Sige pre una nako baka malate ako eh dika ba sasabay?" tanong niya sakin pero umiling lang ako.

"Bat ba kasi kailangang mangyari pa toh" pagkabanggit ko ng mga salitang iyon ay sabay din ng pagpikit ng mga mata kong hina na dahil sa antok.

ALEXIA'S POV

Di nanaman siya pumasok tsk nang dahil sa babaeng yun nasisira yung pag-aaral ni zach. Kasi naman zach kung sana ako nalang wala sanang mangyayaring ganito.

Wala akong pake kung nasasaktan ko kayo. Remember zach I can heal those wounds in your heart. You'll fall for me soon.

"Hindi nanaman pumasok si zach" sabi ni arc na nasa harap ko.

"Pagsasabihan ko siya mamaya" sabi ko at nilagay ang notebook sa bag.

"Tingin ko kay guinevere lang siya makikinig" sabi niya na ikinatigil ko at ikinainis tsk.

"Don't ever mention that stupid name again" nanggigigil kong banggit.

"Why?" takang tanong ni arc habang nakasalubong pa ang kilay.

"K-kasi siya ang dahilan kung bakit nagkaka ganito si zach" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Tsk kahit naman ako susundin ko rin magulang ko eh, magulang yung kalaban mahirap na pagsubok yun" sabi niya at lumabas na. Ah so kakampi kapa sa malanding yun.

Sa kabilang side nakita ko si hyacinth na nagliligpit ng gamit niya kaya napangisi nalang ako at lumabas narin.

Agad akong pumunta sa garden at pagdating ko nakita ko kaagad si zach na nakahiga sa mahabang upuan at natutulog. What an angelic face, napangiti ako ng makita ang antok na antok na si zach. Zach naman kasi eh ang baba kasi ng taste mo yan tuloy nagkagulo kayo di kasi tanggap ng simoy ng hangin yung existence ng babaeng yun kaya ayun pinapuntang U.S^^

Zach's Pov

Nagising ng may maramdaman akong humahaplos sa mukha ko.

"G-guinev--" naputol ang sasabihin ko ng makita kong si alexia pala ito.

"Hi boo hindi ka nanaman pumasok sa lahat ng subjects" sermon niya tsk as if papakinggan kita, what a bitch.

"You don't care" sabi ko at aalis na sana nang hawakan niya braso ko kaya napatigil ako.

"I care" sabi niya.

"So?" sabi ko at diretsong lumakad, narinig ko pa ang pagtawag niya pero diko na pinansin.

Pagdating ko sa bahay dumiretso ako agad sa kwarto ko nang biglang may nagkatok akala ko si alexia, si ahsey lang pala kaya nginitian ko siya, hindi niya ako pwedeng makitang ganito. Gusto kong isipin niya strong ako at hindi umiiyak.

"Kuya nagpromise ka po sakin diba?" sabi niya na ipanagtaka ko.

"What do you mean?" mahinahon kong banggit sakanya pero diko inaasahan yung tanong niya sakin.

"You said you'll bring ate yesha here again." Sabi niya na hindi ko nasagot agad at napangiti nalang ng pilit.

"Alam mo kasi little princess busy na kasi si ate yesha mo kaya hindi na muna" sabi ko at nagtaka ako ng nakatingin siya sa mata ko ng diretso.

"You're eyes are sad, they are full of sadness and pain." sabi niya kaya napayuko nalang ako at nagulat ako nang siya naman ang gumulo ng buhok ko.

"Goodnight po kuya, hindi ko man po maintindihan ang tungkol sa problema mo pero po kuya I promise you kapag big girl na po ako aawayin po natin yung nag-away sayo" sabi niya at umalis na sa kwarto ko. Napatawa ako ng mahina at pilit nang maalalang 11 years old lang siya pero diko inaasahang kaya niyang mapansin kung may problema ba ako.

Ilang linggo palang guinevere pero pakiramdam ko ito yata ang ikamamatay ko.

Napabangon ako nang maalala ko yung bigay niyang kwintas sakin noon. Kinuha ko yung kwintas at tumulo bigla yung luha ko nang may maalala ako.

"Remembrance yan para kapag wala ako sa tabi mo tignan mo lang ito na parang ako para kahit papano mafeel mo na nasa tabi mo lang ako, tuwing stress ka or pagod tignan mo yan at isipin mong nandyan lang ako sa tabi mo"

Yan yung sabi niya na hindi ko inaasahan na aalis nga siya at ito ako parang gago, hawak yung kwintas at inaalala siya.

Kung bakit ba kasi ganito pa yung nangyari samin.

Napabuntong hininga nalang ako at natulog na.

Guinevere's Pov

Haysstt.. Ang sakit ng katawan ko. Hindi naman nila ako pinagtrabaho pero sabi nila gawin ko nalang yung mga gawaing bahay at bibigyan ako ng pera pang-aral at panggastos, mabait sila sakin dapat nga di na nila ako paglilinisin eh pero naalala nila yung sabi ni dad sakanila.

Ang hirap ng buhay ko dito kahit ganito sila kabait pero kailangan talaga akong magtrabaho para sa gastusin ko. Ito yung buhay na hindi ko pa nararanasan kailan man.

Napabuntong hininga ako ng maalala kong hindi pa pala ako tapos sa trabaho ko dahil marami pa akong lalabhan. Tatlong linggo na paulit-ulit lang din, ako rin nag aalaga at nagpapakain ng anak nilang ubod ng kulit. Fvck isang 14 years old na bata nagtatrabaho na ng ganito kahirap.

Siguro kung hindi lang ako nag bf hanggang ngayon pahila-hilata nalang ako sa bahay.

Pero hindi ko sinabing pinagsisihan kong pumasok sa relationship. Mahal ko siya kaya gagawin ko lahat toh para sakanya at para makapag aral narin at maibalik yung tiwala nila dad.

Di naman masyadong mahirap dito eh nakakapag mall din ako at nakakapag gala with my friends. Pero mas masaya parin sa pilipinas. Miss ko na si beshy wap kong si hyacinth huhu....

Kamusta na kaya sila dun lalo na siya. Baka hindi nanaman siya kumakain at pumapasok sa lahat ng subjects. Yan kasi laging sinasabi ni hyacinth eh halos malaki na daw yung eye bags niya.

Galit kaya siya?

Tatlong linggo na pala.

Wag kang mag-alala pagbalik ko ikaw at ikaw parin, pagbalik ko magiging masaya na ulit tayo, pag balik ko magsasama na tayo ulit at sisiguraduhin kong pag nagsama tayo ulit ay hindi na natin kailangan pang magtago o mangamba kung may makakakita ba satin o wala.

Sa ngayon kailangan muna nating maghintay, I love you so much sana mahintay mo pa ako.......

Mahal Kita Pero Hindi PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon