"Ash? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya."Gusto lang kitang kumustahin" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"A-ah.. A-yos lang n-nama-an ako" pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.
"Kumusta yung anak ko?" diretsong sabi niya na ikinagulat ko.
"Ano?! Ano'ng pinagsasabi mo dyan?!" gulat na tanong ko.
"Alondra, please. Kahit ngayon lang. Sabihin mo sakin ang totoo!" sigaw nya na ikinagitla ko.
"Hindi nga tayo nagkaanak! Walang nabuo, Ashton! Naiintindihan mo ba?!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Alondra! Kahit ngayon lang naman! Aminin mo na! Aminin mo nang pinatay mo ang anak natin!" sigaw nya.
Wala sa sariling nisampal ko sya.
Walang katotohanan yon! Sinabi ko lang naman yon dahil gusto kong malaman kung gaano nya ako kamahal.
"What the fck? Alondra! Sabihin mo ang totoo sakin!" sigaw ni Ashton sa kanya.
"Wala akong sasabihin sa'yo, Ashton" mahinahon na sabi ko.
Hinigit ni Ashton ang braso ko na ikinabigla ko.
"Ashton! Ano ba?! Nasasaktan ako!" pilit kong hinihigit ang braso ko pero sadyang mahigpit amg pagkakahawak nya sa braso ko kaya ayaw nitong matanggal.
"Aminin mo kasi ang totoo para hindi ka masaktan!" sigaw ni Ashton.
"I lied! Wala talagang nabuo! I was just testing your loyalty and love to me!" sigaw ko.
Lumuwang ang kapit nya sa braso ko kaya agad ko itong hinila.
"What?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"I was just testing you" mahinang sabi ko.
"B-bakit?" nanghihinang tanong ni Ashton.
"Ginawa ko yun dahil gusto kong malaman kung gaano ka ka-loyal sakin at kung gaano mo ako kamahal.At nagpapasalamat ako na ginawa ko yun dahil nalaman ko din kung anong mangyayari kung sakaling mabuntis ako na hindi ka pa handa"
"You did not tell--"
"Hindi naman ako ganun ka bobo, Ashton. At wag ka rin maging bobo. Kung sasabihin ko amg rason ko edi magsisinungaling ka lang."
"But--"
"So,yun nga. Sabi mo nga na hindi mo tanggap na magkaanak ka sakin. Masakit yun syempre kaya nga nakipagbreak nalang ako sayo at patunay na rin yun na hindi mo talaga ako mahal.Sobrang sakit, Ashton."
"Mahal naman kit--"
"Kung mahal mo ako edi sana tinanggap mo ang pagbubuntis ko which is a lie."
Bigla na lang syang natahimik. Napayuko sya.
"And I'm sorry if I lied"
Nagtagpo ang mga mata namin at parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang isang butil ng luha na tumulo galing sa mga mata nya.
"A-ashton,p-please don't cry...." pakiusap ko sa kanya.
Napakasakit na makitang umiiyak sya sa harapan ko.
"So natalo pala ako" sabi nya.
"Huh?"
"Nevermind. Pinaniwala ko pala ang sarili ko na mahal kita."
It feels like a knife was stabbed into my chest.
"Akala ko mahal kita. Attracted lang pala ako sayo at hindi pala kita mah--"
"Shut up,please. Masakit, Ashton. Huwag mo nang ulitin pa" pag-amin ko.
"Akala mo ikaw lang ang nasasaktan,huh? Mula noong araw na hiniwalayan mo ako, sobrang sakit ang nararamdaman ko, Alondra"
"Hindi mo ako mahal diba?! Huwag kang magkunwaring nasasaktan ka!" sigaw ko kasabay nang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
Umiling sya at pekeng ngumiti, "Oo nga pala. Ikaw pala ang mas nakakaalam ng nararamdaman ko sayo." tumitig muna sya sakin bago walang sabi-sabing umalis.
Masakit yun.
Attracted lang sya diba? Bakit naman sya masasaktan? How funny.
"He loves you, Miss Alondra. Huwag kang feeling expert sa nararamdaman nya para sayo. Huwag kang feeling tama"
Pinukol ko ng masamang tingin ang nagsalita.
"So you were listening all the time?" I asked him.
"No, just the last part." ngumiti sya at agad na pumasok sa unit nya.
"Chismoso" bulong ko.
Pagod na pagod akong pumasok sa loob ng unit ko habang pilit na iwinawaksi ang sakit na nararamdaman ko.
Napakasakit sa ulo ang nangyari sa amin ni Ashton. Parang walang eksaktong rason.Tsk!
Bahala na! Basta tapos na kami! Wala na!~º~º~º~º~º~º~º~º~º~º~º~
A/N: Hello readers! Napakatagal ng update kasi busy ako sa school at saka nagkasakit din ako.Sana maintindihan nyo. Alam nyo naman siguro ang feeling na maging Grade 10 student diba? LOLS . First quarter palang pero super torture na tas sumabay pa ang madalas na pagsakit ng ulo ko kaya layo-layo muna ako sa gadgets (sabi ni mamc e 😆). Super short update lang ito kasi parang nakakalimutan ko na ang plot ng story na ito. And also, don't expect perfect grammar,dear. At saka sa isang reader dyan na nagcomment ng "UD" with matching "-,-" emoticon, tbh, hindi ko nagustuhan yun. Nakakaano kasi e. I can't explain kasi sobrang bigat sa feeling. Wag atat please.By the way, expect slow updates and thanks for the reads.That's all. God bless~♡-💜-
BINABASA MO ANG
The Bitch's Neighbour
AcakSex addict? Yes, she is. She's Alondra Martinez.A sex addict woman and Zandro Ramirez's neighbor. date started: 05/18/18 date finished: -----