Episode 6

1.4K 53 2
                                    

Bago muli magsarado ang pinto ay hinigop ng napaka-lakas na hangin si Ephraim papasok ng kwarto.


Tumakbo kami ni Lad pababa, pero wala na sila Vhon at Mia sa salas.


"Vho..".


Sisigaw sana si Lad para tawagin sila Vhon ngunit bago nya pa magawa ay tinakpan ko ang kanyang bibig.


"Huwag Lad, ayaw ng ingay ng mga Poltergeist".


"Pero ano ang gagawin natin, miski sila Vhon at Mia nawawala na", bulong ni Lad.


"Hindi pa sila nakukuha, pumunta ka sa Cellar malamang ay nandun pa sila".


"Pero paano ka?".


"May kukunin lang ako sa kwarto na makakatulong sa atin", sabi ko at tumakbo na si Lad pababa ng Cellar, habang ako naman ay umakyat ng kwarto para hanapin ang libro ng lolo ko, hinalungkat ko ang bag at drawer ko pero hindi ko ito makita.


"Asan ka na ba!, ang alam ko dito ko lang nilagay yun eh".


At sa hindi malamang dahilan bigla na lamang bumukas ang malaking Cabinet sa kwarto.


Inilawan ko ang Cabinet at wala naman ibang laman ito kundi ang aming mga damit, dahan-dahan ako'ng lumapit dito at bigla ko naalala na dito ko sa Cabinet inilagay yung libro.


Nakatayo ako sa tapat ng Cabinet, nanginginig at hindi ko maigalaw ang aking katawan, pinag-iisipan ko parin kung paano eto bumukas ng kusa at isa lang ang pumapasok sa isip ko, gawa ito ng multo.


Dati pangarap ko maka-kita at maka-encounter ng isang multo, pero hindi ko expected na matatakot ako ng ganito, sobrang kinikilabutan ako.


Binuksan nya ang Cabinet na para ba'ng alam nya ang hinahanap ko, kung siya yung Matanda kanina malamang ay kinuha nya na rin ako.


Pero hindi eh, hindi siya yung matanda, pero sino ang multo na ito?.


Napalunok ako at nilakasan ko ang loob ko. "Ikaw ba yung bata na naglalaro kanina?.


Maari mo ba kaming tulungan?", sabi ko ng biglang tumilapon ang Libro na kanina ko pa hinahanap na para ba'ng may naghagis mula sa loob ng Cabinet.


"Salamat", sabi ko at umalis na ako ngunit pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko yung matandang babae na nakatalikod at nakatitig sa ikalimang kwarto, kaya napatigil ako sa paghakbang.


Sinilip ko muli siya at nakita ko siyang papasok ng ikalimang kwarto na para ba'ng lumulutang. "Hindi ba! Ang sabi ko sa inyo huwag kayo maingay!", sigaw ng matanda na parang may pinapagalitan sa ikalimang kwarto.


Kasunod nun ang mga tunog na para ba'ng nagdadabog siya sa loob.


Dahil nasa loob siya ng kwarto ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makalabas at makababa ng hagdan.


Samantala sa Cellar..


Nakita na ni Lad si Mia at Vhon.


"Lad bakit parang pinagpapawisan ka?, ano na ang nangyari sa taas?" sabi ni Vhon pero hinahabol padin ni Lad ang kanyang paghinga.


"Hindi maganda ang mga nangyare, si Mang Nestor at yung mga nasa Room 5, wala na sila", sabi ni Lad.


"Huh paano'ng wala na?, ano ibig mo sabihin?".


"Kinuha sila ng Poltergeist na sinasabi ni Kaira".


"Asan na si Kaira?", sabi ni Mia via Tablet. "May kukuhanin lang daw siya sa kwarto nyo na makakatulong sa atin".


"Iniwan mo siya ng mag-isa?", sabi ni Mia via Tablet.


"Gusto ko siya samahan pero pinahanap nya kayo sa akin".


"Teka hindi ko kayo maintindihan, anung nangunguha at Poltergeist ang sinasabi mo Lad?".


"Hindi ko alam kung maniniwala ka Vhon, pero para maliwanagan ka, nasa panganib ang mga buhay natin ".


"May gusto pumatay sa atin?".


"Parang ganun nadin yun, pero ang malala hindi natin alam kung sino siya or kung saan siya aatake".


"Ganun! Eh paano yan wala tayong takas dito Pare!, ni hindi nga mabuksan yung mga pinto at bintana eh".


"Nakasalalay na ang buhay natin sa sinasabi ni Kaira na makakatulong sa atin", sabi ni Lad. Tok! Tok! (Katok mula sa pintuan ng Cellar. To be continued...

Ghost Club: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon