Episode 13

1.1K 42 0
                                    


Tinanggal namin ang Bangkay ni Princess sa Elevator at sumakay ako dito.


"Kaira mag-iingat ka ha", sabi ni Mia at niyakap nya ako.


"Kayo din guys, keep safe", sabi ko at umakyat na ang elevator pataas.


Dahan-dahan umakyat ang elevator pataas, at tulad ng nangyari kay Princess ay tumigil din ito sa kalahati ng 3rd floor.


Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, binuksan ko ang phone ko at wala parin ito signal, binuksan ko ang flashlight at inilawan ang buong mini elevator, napansin ko na may mga gumagapang padin na mga uod sa aking inuupuan kaya nagsimula na ako magpanic.


Mga 5 mins narin ako nagtagal dito.


Mainit sa luob at wala masyadong hangin ang pumapasok, nahihirapan nadin ako huminga. Pumikit ako at sinabi sa sarili na eto na ba ang katapusan ko?, minulat ko ang aking mata at sinabing.


"Hinde!., hindi pa pwede".


Inilawan ko ulit ang buong paligid, napansin ko na may nakausling bakal sa taas ng elevator, sa may 3rd floor, malamang yun ang pumipigil sa elevator para umangat.


Pilit ko sinusundot ng daliri ko ang nakausling bakal, ngunit napakatigas nito. Ginamit ko ang phone ko at isinuot sa maliit na espasyo ng pintuan ng elevator sa taas, at pinagpupukpuk ko, at tuluyan ng natanggal ang nakausling bakal, kaya nagpatuloy ang elevator paakyat ng 3rd floor. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad ako lumabas, at humawak ako sa aking dib-dib habang hinabol ko ang aking paghinga.


Nang maayos na akong nakakahinga ay tumayo ako at pinag-pagan ko ang aking binti na ginagapangan ng mga uod.


Sobrang dilim sa buong kwarto, ni wala ako makita, kinapa ko ang phone ko at pinidot ang on button ngunit hindi ito nabubuhay.


Hindi muna ako umalis sa aking pwesto, kinapa ko ang mini elevator bilang palatandaan. Inalala ko ang kwento ni Princess, nakita nya daw hinagis si Janna sa Terrace, ang ibig sabihin tapat lang ng elevator na ito ang pintuan ng terrace, ngunit saan dito?, sa kaliwa ba, diretso or kanan. Wala akong choice kundi subukan lahat.


Inuna ko subukan ang kaliwa, naglakad ako habang binibilang ang aking hakbang. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, at nilapag ko ang c.p ko padiretso bilang palatandaan.


Anim, pito, walo, siyam., sampu, at nilagpag ko ang panyo ko.


Labing isa, labing dalawa, labing tatlo, at may nahawakan ako na matigas, kinapa ko ito, hindi ito ang pinto, isa itong Cabinet.


Tumalikod ako at humakbang pabalik.


Labing tatlo, labing dalawa, labing isa, at kinapa ko ang nilagpag ko na panyo.


Sampu, siyam, walo, pito, anim, at dinampot ko ang c.p ko.


Lima, apat, tatlo, dalawa, isa, at nagbalik ako sa Mini Elevator.


Hindi ang kaliwa ang daan kaya sinubukan ko naman ang kanan.


Inulit ko ang gnawa ko kanina.


Kada limang hakbang ay mag-lalapag ako ng gamit na nakaturo sa direksyon kung saan ako galing at papunta.


Labing isa, labing dalawa, labing tatlo, labing apat, labing lima, hinubad ko ang kaliwang tsinelas ko at iniwan.


Labing anim, labing pito, labing walo, labing siyam, at may nakapa ako na kurtina.


Kung may kurtina malamang may bintana. Hinawi ko ang kurtina at lumiwanag na ng bahagya ang buong kwarto naaninag na rin ang mga furniture dahil sa liwanag ng buwan.


Dahil sa liwanag ay nakita ko ang pintuan ng Terrace ngunit naka lock din ito.


Tinignan ko ang buong kwarto, sa unang kalahati ng kwarto ay nasa gitna ang pintuan ng Masters Bedroom, sa kaliwa ang bath room at sa kanan naman ang Piano.


Sa pangalawang kalahati naman ay sa gitna ang Pintuan ng Terrace., sa kaliwa ang Mini Elevator at sa kanan naman ang kama at cabinet.


Naglakad ako patungo sa Piano, gusto ko na ito sirain ngunit masisira ang plano kapag ginawa ko yun.


Kailangan muna mahanap at mapagsama-sama ang mga prospect at sabay-sabay ito sisirain, kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng Masters Bedroom.


Sa aking pag-bukas ay sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag.

Ghost Club: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon