"Nakakapag-salita ka pala Mia?", sabi ni Vhon.
"Ang Blind Amulet, ginagamit ito para maisara ang Third Eye ng isang tao, pero inaalis naman nun ang kakayahan mo'ng makapagsalita, tama ba?", sabi ko.
"Oo tama yun, pag-suot ko ang kwintas hindi ako naka-kakita ng multo pero hindi naman ako nakakapagsalita, sumpa na kasi sa pamilya namin ang magkaroon ng third eye eh, kaya lahat kami may ganito, upang maiwasan ang pakikipag-ugnay sa mga espiritu", sabi ni Mia.
"Ngayong bukas na ang Third Eye mo may nakikita kaba na kaluluha sa paligid?", sabi ko.
"Wala wala dito".
"Paano na ito, kung wala tayong makakausap na espiritu", sabi ni Vhon.
"What if ganito, buuin natin yung mga pangyayari?, magsimula tayo sa unang pagstay nyo dito, ilang araw na ba kayo nag stay dito?".
"Kami ni Vhon dalawang araw palang". "Ako naman dalawang araw din", sabi ni Mia.
"Wala ba kayo ibang napansin sa pag-stay nyo dito?, or miski yung kahina-hinala?".
"Ngayong nasabi mo yan, nung tinesting ko yung Ghost Radar ko, may nadedetect na good spirit sa ilalim ng kama ko, kaya nga akala ko sira to eh".
"Ako naman nung 1st na punta ko dito, paglabas ko ng bahay dyan sa may garden, nakita ko yung batang babae na sinasabi ko sayo na wasak yung mukha, at yun din yung sumunod sa akin sa School", sabi ni Mia.
"Yung sa akin naman yung batang lalake sa kwarto natin Mia, dalawang beses na sya nagparamdam sa akin, hmm lahat ng espiritu na nagpaparamdam ay mga bata, ano ang konekta ng mga bata na ito sa Poltergeist?", sabi ko.
"Naalala ko yung sinabi sa akin ni Mang Nestor, sa loob ng 35years ngayon lang daw ito pinaupahan ng may-ari, at ang sabi nya pa, dati daw bahay ampunan ang lugar na ito", sabi ni Vhon.
"Mga Ampon pala yung mga bata na nagpaparamdam dito, at malaki ang posibilidad na yung matanda na babae ang nag-aalaga sa kanila, pero ano naman ang ikinamatay nila?", sabi ni Lad.
"Mia may naencounter ka pa ba na ibang espiritu, bukod sa batang babae na sumusunod sayo?", sabi ko.
"Wala na siya lang nakita ko pero di ko sya pinansin, kaya nga ang lakas ng loob ko hubarin yung amulet ko kasi akala ko dito lang may multo, hindi ko inakala na susundan nya ako hanggang school.
"Kung ngayon lang tumanggap ng mga mangungupahan ang may-ari ng bahay na ito, it means ngayon lang din nabulabog ang Espiritu ng Poltergeist", sabi ko.
"Yung mga taga room 5?, hindi ba sabi nila kanina, tatlong araw na sila dito, edi nauna sila kesa sa amin ni Vhon, baka sila ang bumulabog sa Poltergeist, eh halos gabi-gabi na kung mag-jam ang mga yun", sabi ko.
"Hindi eh, sa tingen ko may iba pa silang ginawa bukod dun, hindi mabubulabog ang Poltergeist hanggang hindi mo ginagalaw ang bagay na naka-link sa kanya, Once na galawin mo yun tsaka lang siya magiging agresibo, pero hindi ko rin alam, pwede din naman na dahil sa sobrang ingay nila gabi-gabi", sabi ko.
"Ang hirap naman neto!", sabi ni Vhon.
"Isa, dalawa, tatlo, apat", sabi ko habang nagbibilang gamit ang daliri. "Ano yung apat?".
"Sabihin natin na yung 5 na kwarto ay may tig iisang bata.
Sa room ko meron isa, sa room nyo meron din isa, atsaka yung babae na nakita ni Mia, bali tatlo na, then yung sa room 5, parang may pinapagalitan yung matanda eh, apat, 5 yung nasasagap ng Radar mo, kulang pa ng isa?", sabi ko.
"Wait check ko sa Ghost Radar ko, meron nga tatlo sa 2nd floor at 1 sa labas, at may isang malapit sa atin eh", sabi ni Lad at naglakad siya habang sinusundan ang arrow sa screen ng radar.
"Dito nanggagaling sa Mini Elevator yung isa pa", sabi ni Lad.
![](https://img.wattpad.com/cover/156015976-288-k438179.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 1
HorrorSi Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kaya naman nais nya magkaroon ng karanasan sa pag-gapi ng mga masasamang espiritu, at sisimulan nya yun...