Episode 18

1.1K 41 0
                                    

(JM A.K.A MANG NESTOR P.O.V) YEAR 1977..


Ako si Juan Miguelito Lopez, 11 years old anak ni Fredie Lopez at Mirasol Lopez, isa kaming buo at masayang pamilya.


Napakaswerte ko sa aking mga magulang dahil meron akong mapagmahal na Ina at masiyahing Ama.


Almost perfect na nga na maituturing, ngunit pangarap nila na magkaroon ng maraming supling or anak, yun daw kasi ang pingako nila sa isa't-isa noong sila ay dalaga't binata pa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na pwedeng manganak pa si Ina, dahil siya ay sisaryan at baka ikamatay nya na kung mabubuntis pa siya, kaya nagpatanggal siya ng matres para maiwasan na mabuntis pa.


Pero hindi naging hadlang sakanila na tuparin ang pangarap nila na yun, dahil napag-kasunduan nila na mag-ampon.


"Talaga, Nay?, Tay?, magkakaroon na ako ng kapatid?, pero paano nangyari yun kala ko po ba bawal na?", sabi ko.


"Napag-pasyahan na kasi namin mag-ampon ng Nanay mo, actually meron na nga ibibigay sa amin ang bahay ampunan, na limang bata para ampunin, nakapasa na kami bilang parents at nakapirma nadin kami sa adoption papers, makakasama mo na sila next week".


"Wow Tay talaga, magkakaroon na ako ng kapatid!, hindi lang isa, kundi lima pa!, yehey!".


"Oo anak mas-lalaki pa ang pamilya naten ng Tatay mo, at mas magiging masaya pa tayo".


At yun na nga, ng sumunod na Linggo ay dumating na ang aking mga magiging kapatid, na sila Princess 11 y/o, Vincent 10 y/o, Tupe 8 y/o, at Chok-Chok at Janna na kapwa 7 y/o.


Itinuring at minahal namin sila na parang isang tunay na pamilya, at tama sila Inay at Itay, mas sumaya pa kame ngayon.


"Okay mga anak, bago tayo kumain ay magdasal muna tayo, sino gusto mag lead?", sabi ni Tatay.


"Tay, ako po!", sabi ni Janna.


"Ok Janna simulan mo na".


"Lord marami po'ng salamat sa pag-kain na ibinigay nyo sa amin, at marami po'ng salamat dahil binigyan nyo po kami ng isang masayang pamilya, maraming maraming salamat po talaga Lord ang bait-bait nyo po, Amen".


"Amen!", sigaw namin lahat.


"Ang galing-galing naman ng Bunso namin, maalam na talaga magdasal", sabi ni Nanay.


"Akala ko po ba , ako ang bunso?", sabi ni Chok.


"Parehas kayong bunso mga Anak, kayong dalawa ang baby ng pamilya".


"May magandang balita ako sa inyong lahat, lilipat na tayo ng mas malaki at mas maluwag pa, tutal masyado ng maliit ang bahay na ito para sa malaking pamilya natin, at sariling atin yun", sabi ni Tatay.


Nagulat at nagalak kaming lahat..


"Aba Fredie hindi ko ata alam yan".


"Gusto ko kasi kayong supresahin ng mga bata".


"Saan ka naman nakakuha ng pambili ng bahay?".


"Naalala mo yung account ko na mansion?, may bumili na , at malaki ang naging kumisyon ko, at eto pinambili ko ng bahay".


"Aww ang sweet-sweet ng mahal ko", sabi ni Nanay at niyakap nya si Tatay.


"Ayhiee!", udyok namin sa kanila.


Ng lumipat kami ng bahay ay mas sumaya pa ang aming pamilya, nagkaroon na kami ng kanya-kanya kwarto maliban kay Princess at Janna na nasa iisang kwarto lamang.


Masaya dahil sa umaga ay nakikipaglaro ako sa aking mga kapatid, sabay-sabay din kami na maglinis mapaloob man oh labas ng bahay, at minsan nagkakantahan pa kami habang nag-papiano si Nanay.


"JM halika nga dito", sabi ni Nanay.


"Bakit po Inay?".


"Dalhin mo nga itong mga gamit na hindi na napapakinabangan dun sa bodega(cellar) sa baba". "Sige po Nay, tara Vincent samahan mo ako".


"Tara".


Pumunta kami ni Vicent sa Cellar kung saan tinatambak ang mga hindi na napapakinbangan na gamit, at nandito din ang mga lumang furniture at kagamitan ng unang naninirahan sa bahay na ito.


"Tara na Vicent, wag ka na makialam dyan".


"Teka may nakita ako oh".


"Ano ba yan?", sabi ko at pinakita sa akin ni Vincent ang isang gintong sing-sing.

Ghost Club: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon