Episode 3

1.8K 60 4
                                    

"Miss! Okay ka lang ?", sabi ni Lad na nangungupahan sa ikatlong kwarto.


"Grabe ka naman kuya, nagulat ako sayo", sabi ko.


"Wait parang pamilyar ka saken, ikaw yung may weird na lastname sa klase right?".


"You mean classmate kita sa H.U?".


"Yup ako nga pala si Lad".


"Ah small world, i mean di ko expected na meron din pala akong classmate sa boarding house nato, bukod kay Mia".


"Andito rin si Vhon, classmate rin natin siya".


"Wait anu yang hawak mo na gadget at para saan yan?".


"Ah ito ba, di ko alam kung dapat ko ba sabihen sayo kung para saan ito baka kasi mawirduhan ka".


"I know all the weird stuff in the world, kaya sabihen muna".


"Eto kasi ang bago ko'ng imbento na Ghost Radar".


"Ghost Radar?, you mean para yan sa paghahanap ng multo?".


"Yup sabi ko sayo ang weird eh".


"Hindi ah , panu naman gumagana yan?". "Yung yellow light ay kung may good spirit sa paligid, tapos yung red light naman pag may bad spirit, tapos pag umilaw alin man sa dalawa it means may multo sa paligid tapos tutunog yan ng malakas, tapos yung arrow ang magtuturo kung nasan ang multo , susundan nya lang yung bilog na nasa screen".


"Ayan ba yung tumutunog kanina?".


"Oo eto nga yun".


"Inukit mo!!!!!!!!, ang dusa't pasakit!!!!!!!!!!, kung ako sayo wag na wag ka'ng lalapit!!!!!!!!!", kanta mula sa pang limang kwarto na nirerentahan ng isang banda. "Nagsimula nanaman pala sila , mag jam, kung kailan gabi na, kanina pa yan pagdating namin ng 6pm eh", sabi ni Lad.


"Oo nga buti at hindi namin sila katabi ng kwarto", sabi ko.


(Time: 12 midnight)


Tut! Tut! Tut! (Tunog ng Ghost Radar).


"Mukang nagloloko nanaman ang Ghost Radar , tulad kanina sa klase wala naman multo pero nag-iingay ang buzzer, at ngayun umiilaw nanaman ang red light ", sabi ni Lad.


"Nagkakamali ka, hindi sira ang gadget mo totoong may multo sa room kanina".


"Ha? Paano mo nasabe?".


"Naramdaman ko , at si Mia yung kasama ko sa kwarto, nakita ng dalawang mata nya ang isang batang babae, nakita nya dahil may third eye sya".


"Kung di sira ang Gadget ko, ang ibig sabihen nito ay....", sabi ni Lad.


Biglang nag patay-sindi ang mga ilaw, at sumarado ulit ng napakalakas ang pinto sa pang apat na kwarto.


"Yung arrow, nakaturo sa pinto ng pang anim na kwarto", sabi ni Lad.


"Isa itong napakalakas na Bad spirit, mga level 3 na multo lang ang makakagawa ng ganito, at ito yung mga multo na may kakayahang magpakita kahit wala kang third eye", sabi ko.


"Huh anung sinasabi mo? , at bakit may level 3 pa".


"May 5 level ang mga spirit , una ang level 1 mga multong walang anyo at hindi nararamdaman ng mga normal na tao, madalas silang makita sa mga litrato bilang bilog na bagay, and level 2 ay yung mga multo na may anyong tao, wala silang kakayahan magpakita sa isang normal na tao , pero marunung silang magparamdam tulad ng pag galaw ng mga bagay", sabi ko. "Anu naman ang kakayahan ng level 3?", sabi ni Lad.


"Sila yung mga multo na maykakayahang magparamdam, munipulahin ang mga bagay , at magpakita miski sa isang normal na tao, sila din yung mga territorial spirit na ayaw ng ingay or ayaw ng may ibang tao na umaapak sa teritoryo nila, tinatawag din sila sa English bilang mga Poltergeist", sabi ko.


"Eh bakit nakangiti ka pa?", sabi ni Lad.


"Masaya lang ako, kasi isa ito sa mga pangarap ko, ang maka encounter ng multo", sabi ko at bigla na lamang nawalan ng kuryente at ilaw sa buong bahay.

Ghost Club: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon