Elle's pov
Nandito pa rin kami sa canteen kumakain pero sa tingin ko ako na lang ang kumakain saming lahat.
Napapansin ko kasi na nag-uusap sila crys at sila ate erika pero sila kuya nagtatawanan lang. Tingnan mo mukhang mga tanga. Nagkibit balikat na lang ako at tinuon sa pagkain ang atensiyon ko, tska nagbabasa din naman kasi ako ng wattpad.
"Elle"
Tawag ng kung sino sakin. Napaangat ako ng tingin. Kinalabit ako ng katabi ko, nilingon ko si nella. Problema niya?
"Bakit? May problema ba?"
Umiling siya sa tanong ko.
"Pwede mo ba ako samahan bumili?" tanong niya sakin.
Tumango na lang ako at tumayo. Napatingin pa sila saking lahat at tinanong kung saan ako pupunta. Sinabi ko lang na sasamahan ko si nella. Tumango sila at pinayagan na ko.
"Elle? Kilala mo ba yung V Brothers?"
Tanong sakin ni Nella habang papunta kami sa harap ng tindahan. Taka akong napatingin sakanya. V Brothers? Sino yon?
"Hindi mo sila kilala? Yung kanina na may pumasok na limang lalake, nagulat ka pa nga non nung sinabi ni ate Rika na sila ang may-ari nitong school" sabi nya sakin.
Ahh malay ko ba, hindi din naman kasi ako nakafocus sakanila.
"Ah yung mga pumasok bang kanina? Yung limang lalake?" tanong ko na lang sakanya. Ngiting tumango siya.
"Hindi ko naman masyado nakita yung mga mukha nila. About sa gulat
ko kanina dahil yon sa binabasa ko kanina. Hindi talaga ako nakikinig. Sobrang tutok kasi ako sa pagbabasa kanina sorry" sabi ko sakanya.Napanganga naman siya sa sinabi ko. Natawa ako ng konti dahil sa naging reaksiyon niya.
"Tama na nga ang daldalan, bumili na tayo baka malagot tayo pagnalate"
Tumango na lang ako at binilisan namin ang pagpunta sa counter para bumili ng gusto namin.
"Ano binili mo?"
Tanong ni nella sakin ng makaalis ako sa counter.
"Yakult lang naman ang binili ko dalawang pack" sabi ko at pinakita sakanya yung plastic.
"Halika na balik na tayo baka hinahanap na nila tayo don"
BINABASA MO ANG
The Long Lost Sister Of The Villanueva Brothers (Complete And Revising)
Подростковая литератураGiselle Xyriona Queenzy Kim is a sweet and happy girl. But one day one of the Villanueva Brothers ruins her peaceful life as a highschool student. She didn't know that she's an adopted child but her parents told her that she's not. Sino ba ang dapat...