Crys's Pov
"Hoy! Crys lumabas ka diyan!! Pinapalibutan ka na namin" sigaw ni Mira sa labas ng kwarto ko habang hinahampas pa ung pintuan ko.
"Oo nga crys labas dyan! Umalis ka na diyan sa trono mo!" sigaw rin ni Ella at hinampas din yung pintuan ko.
What the?! Ano bang problema ng mga to?! Pati pintuan ko dinadamay.
"Hoy magsitigil nga kayong dalawa diyan!" sigaw ni Ven dun sa dalawa.
Nasa loob na kaya sila ng kwarto ko, tss! Sinaniban na naman ng kaabnormalan tong dalawang to, kung hindi lang sila mas matanda sakin kanina ko pa sinapok tong mga to.
"HAHAHAHAHA" tawa nilang dalawa at narinig ko na lang yung yabag nila na tumatakabo palabas sa kwarto ko.
Hayop! Saturday ngayon! Anong trip ng mga to?! Plano ko matulog lang dapat buong maghapon. Panira talaga sila ng plano.
"Unnie, may pagkain ka ba dyan?" tanong sakin ni Steph ng matapos niyang kainin yung chocolate bar.
"Nubayan Steph katatapos lang natin maghapunan sa baba ah" sabi sakanya ni ven na abala sa isang sobre na kulay black at yung writings is color red.
Teka alam ko yang sobre na yan ah! Sa GW galing yan!
"Unnie! Meron ba?!" tanong sakin ni Steph habang niyugyog yung balikat ko.
Ahhh jinjja?! For fuck sake!! Pwede naman tingnan sa ref diyan.
"Tingnan mo dyan sa ref Steph, ano ba?! Tigilan mo nga kakayugyog sakin!" inis na sabi ko kay Steph. I fix my shirt, buti na lang tinigilan na rin ako.
"Crys...look, gusto ng GW bumalik tayo" seryosong sabi sakin ni Ven habang binabasa pa yung sulat sa sobre.
I sigh "Ewan ko ba, siguro tanggapin na lang natin, wala rin tayo magagawa eh" pagod na sabi ko sabay higa sa kama ko.
"Bakit ewan mo? Ikaw leader ng The Royal Aces, alam mo naman na ikaw binoto naming leader" sabi niya sakin habang may pinipindot sa cellphone niya.
"Dapat nga ikaw na lang, bakit ako pa?" taka kong tanong sakanya.
Tinarayan niya muna ako bago niya ko sinagot. Aba't ayos ahh. Porket mas matanda to sakin tatarayan mo na ko.
"Duh! Ikaw kaya pinakacold samin tapos ang sungit-sungit mo pa. Edi malamang ikaw magiging leader dun! Pero hoy ako pa rin mas matanda sayo kaya umayos ka" masungit na sabi niya sakin kaya tinarayan ko na lang siya at inayos yung pagkakahiga ko.
"Tingin mo sila Sofia nakatanggap din ba ng ganito?" tanong niya sakin habang nakahiga na rin sa kama ko.
"Malamang sa malamang oo, they are our rivals after all" balewalang sabi ko habang tinitingnan yung kuko ko kung madumi.
Nausap pa kami ni Ven tungkol sa GW at si Steph umiinom ng tubig ng biglang bumukas ung pintuan ko.
Napabalikawas kami ng bangon ni Ven sa gulat tapos si Steph biglang napabuga sa iniinom niya. Kaya tumingin ako kung sinong walang hiyang tao yung nagdabog buksan yung pinto.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Sister Of The Villanueva Brothers (Complete And Revising)
Novela JuvenilGiselle Xyriona Queenzy Kim is a sweet and happy girl. But one day one of the Villanueva Brothers ruins her peaceful life as a highschool student. She didn't know that she's an adopted child but her parents told her that she's not. Sino ba ang dapat...