Elle's pov"Elle, i texted your kuya warren na kasama ka na namin. At kaloka kang bata ka! Nawala ka daw sa tabi nila bigla kaya halos mabaliw sila kakahanap sayo!"
"Lah? Sila nga tong bigla na lang nangiwan eh"
"Nako! Buti na lang tinext ko, kung hindi nagpaprint na yon ng picture mo with missing"
"Oa ah! Nasa school lang naman ako" umiling na lang sa sagot ko si ate ven, yung apat tinawanan lang ako. Buti na lang talaga tinext ni ate ven kung hindi nagpaprint talaga sila. Naalala ko wala pala akong load. Free data lang ako.
Ugh kairita! Napapagod na ko kakalakad. Kanina pa kami hanap ng hanap sa room na yun. Hindi pa namin kasi makita-kita, kairita naman.
First day na first day of school late na late kami, first time nangyari samin to. Kainis kasi ang laki ng school na to. Dinaig pa yung Mall of Asia.
"Ate ven magtanong na kaya tayo? Kanina pa tayo paikot-ikot sa school na to, hindi pa din natin mahanap-hanap yung room natin" reklamo ko kay ate Ven.
Napatingin silang lahat sakin na parang may sinabi akong maganda at nakakamangha. Napataas ako ng kilay dahil sa reaksiyon nila. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat ko na dahilan ng ikinagulat ko.
"Giselle you're a...Genius!" masayang bulas niya sakin.
Ikinataka ko naman iyon, anong genius doon? Yun lang naman ang paraan para mahanap ang room na yon.
"Anong genius doon ate? Yun lang naman ang paraan para mahanap ang room natin ah" sabi ko sakanya.
Ngumiti naman siya sakin at pumitik sa daliri niya. Ano naman ang nasa isip nitong babae na ito?
"Elle alam mo, kanina pa namin naisip yan hinihintay ka lang talaga namin na ikaw magsabi samin nyan" nakangiting sabi sakin ni Crys.
Oh no. Nagsalita na ang demonyo. Tska talagang hinintay pa nila akong isipin yon kung kailan malelate na kami.
Ganun pala, pinapalabas nila na ako ang magtatanong sa kung sino man ang pagtatanungan namin? Galing ah.
Ako naman talaga lagi nagtatanong eh, mga mahiyain kasi sila tapos walang hiya daw ako. Kutusan ko kaya tong mga to? kairita eh.
"Alam mo na ang point namin elle" ngiti ring sabi sakin ni Ella. Edi wow.
Bumuntong hininga nalang ako at ngumiti na lang ako ng pilit. Tumango na lang ako na ikinatuwa nila, binigyan ko naman sila ng masamang tingin pero binawewala lang naman nila, galing naman talaga mang-utos ng mga to.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Sister Of The Villanueva Brothers (Complete And Revising)
Novela JuvenilGiselle Xyriona Queenzy Kim is a sweet and happy girl. But one day one of the Villanueva Brothers ruins her peaceful life as a highschool student. She didn't know that she's an adopted child but her parents told her that she's not. Sino ba ang dapat...