1 Segundo

29 0 1
                                    

Malakas ang hangin at tinatangay nito ang mahaba kong buhok, payapa at tahimik din. Buti pa dito walang gulo. Buti pa dito parang walang problema. Ano kayang pakiramdam na dito na lang din ako? Makakaramdam na ba ako ng habang buhay na kapayapaan? Sasaya na ba ako?

Nakatayo ako habang nakatitig sa kaniya. Bakit para kang walang problema? Bakit nakangiti ka pa sa akin? Hindi mo ba nararamdaman iyong nararamdaman ko? Hindi mo ba nakikita na nasasaktan din ako? Napaka daya mo, sa sobrang pagkadaya mo gusto ko na lang ihampas sayo itong bag ko. Lagi na lang ba ako? Ano bang ginawa ko sa'yo? Bakit napaka sinungaling mo? Sabi mo sa akin hindi mo ko iiwan. Ang sabi mo noon walang iwanan. Eh bakit nandiyan ka ngayon samantalang nandito naman ako? Ang layo nating dalawa sa isa't isa. Hindi pa kita makita, hindi rin makasama.

In loving memory of
Gael P. Salcedo
January 1, 19xx - January 11, 2019

Hinaplos ko ang malinis at malamig na lapida ni Gael. Matagal na din pala simula ng iwan mo kami. Hindi ko napansin na matagal na pala kaming walang kasamang makulit, pasaway pero mapagmahal na Gael.

Ang saya ba diyan sa taas? Kausap mo ba si Lord? Ano sabi sayo? Nagpapakabait ka naman ba?

Napabuntong hininga na lang ako sa dami ng tanong ko kanina pa. Ang dami-dami ko kasing tanong at gustong malaman Gael, kaso walang sumasagot kahit isa. Walang makasagot.

Ngayong araw na ito ang araw na nawala ka.
Isang taon na din ang lumipas pero parang kahapon lang ang nangyari. Ang araw na akala ko ay magiging pinaka masayang araw sa buhay ko pero kabaligtaran pala.

"Tara na po lola" rinig kong sabi ng batang lalaki doon sa akay niyang matandang babae. Sa tingin ko ay lola niya ito at inaakay niya paalis.

"Iikot din ang oras. Babalik din sa lahat ang dati. Ang oras ay parang bilog na mundo. Umiikot at umuulit." rinig kong sabi ng matanda habang nakatingin sa lapida. Malapit lang ito dito sa pwesto ko kaya naririnig ko siya.

"Oo na po lola, bilog na ang mundo pero bilog na din ang pwet ng kapatid ko dahil kanina pa iyon paikot-ikot kahihintay sa atin" sagot ng bata

Hindi ko na nga lang sana papansinin at titignan kaso nahuli ni lola ang mata kong nakatingin sa kaniya.

"Maghintay ka" sabi nito habang nakatingin sa akin.

Iniwas ko na lang ang tingin ko at inayos na lang ang mga bulaklak na dala ko. Kinilabutan ako sa sinabi ni lola. Anong maghintay ka?

"Eh lola kanina pa po ako naghihintay" kamot ulong sagot ng bata

Hindi pala ako ang sinabihan. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ako na ang sinasabing maghintay eh.

Bago sila tuluyang makaalis ay nilingon ko ulit sila, ewan ko ba nacu-curious ako sa kanila lalo na sa matanda dahil sa tagal kong dumadalaw dito ay ngayon ko lang siya nakita. Siguro ay hindi din naman ito madalas dumalaw.

Nakita kong napahinto ito ng lakad. Napahinto din tuloy ang apo niya at hinintay ito.

"Maging masaya ka" sabi nito ng nakatalikod at tuluyan ng umalis.

Anong maging masaya? Baka kausap niya lang iyong apo niya.

Ever since that day hindi ko na natutunang maging masaya ng buo. Siyempre from time to time may mga masasayang moments pa din naman ang nangyayari sa buhay ko. Nandiyan naman ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang puppy namin. Kaso iba talaga iyong happiness kapag kasama mo iyong taong mahal mo eh. Iba iyong contentment at feeling na nabubuo ka kapag kasama mo siya.

Sabi ng iba guilty lang daw ako kaya hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka move on. Ang sabi ko naman sa kanila, wala silang alam sa nararamdaman ko. Hindi guilt ang nararamdam ko kung hindi pangungulila. Sana maintindihan nila iyon.

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon