Nasa office lang ako today at gaya nga ng sabi ko maaga ako dahil natambakan na naman ako ng gawain. Halos mag lu-lunch time na hindi pa din ako kumakain at tumatayo sa upuan ko. Nakakaramdam na ako ng gutom pero mamaya na lang siguro ako kakain pag natapos ko na lahat ng ito.
(Gael pogi 😘 calling)
Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa pinangalan niya sa sarili niya sa contacts ko. Baliw talaga.
"Bbq!"
"Oh Doc bakit ka napatawag?"
"Wala lang, I miss you lang and yayayain sana kitang mag lunch"
"Mamaya pa sana ako mag lu-lunch eh. Tatapusin ko lang trabaho ko saglit"
"Iyan ka na naman eh, hindi ako papayag na hindi ka muna kakain. Eat first before that bbq. Magkakasakit ka niyan. Sakitin ka pa naman"
"Ok po Doc masusunod"
"Very good my patient. Punta po ako diyan ngayon ah. Be there in a minute. Bye, I love you~"
"Ingat ka, wait kita sa may lobby. I love you too~"
(Call ends)
Wala talaga akong kawala sa mokong na iyon pagdating sa pagkain or in general sa health ko eh.
Nag ayos na ako at nagpaalam sa secretary ko na mag lu-lunch lang muna. Sanay naman na din siya na lagi akong sinusundo ni Gael for lunch.
"Kain ka na din Pia, mamaya mo na iyan tapusin" sabi ko dito dahil nagmana ata sa akin itong secretary ko sa pagka workaholic.
Single mom si Pia kaya sobrang masipag sa trabaho. Aniya ginagawa niya lahat ng ito para sa baby niya at sa future nilang dalawang mag-ina."Sige po Ms. Aubrey, susunod din po ako" sagot nito.
Nasa 2nd floor na ako nang nakasabay ko si Felipe or mas kilala dito sa building bilang "Fifi". Matalik na kaibigan ko din itong si Fifi simula ng magtrabaho ako dito dahil kalog at friendly.
"Oh hi sis! te-text pa lang sana kita para yayaing mag lunch eh buti nakita ka na ng beauty ko" maarteng sabi nito.
"Sorry Felipe hindi ako pwede today. My boyfriend's waiting for me" ngiti ko dito
"Yuck! Drop the Felipe sis ang baho pakinggan! Call me Fifi! Just Fifi only" irap nito kaya napatawa ako
"Fine "Fifi" basta hindi ako pwede ngayon. Next time na lang sis" natatawang emphasize ko pa dito
"Ano pa nga ba eh sanay na ako kay fafa Gael na always nandito no! Naku kukuritin talaga kita sa singit babaita ka! Ang haba ng buhok mo! Inlavey na inlavey ang fafa Gael ko sa'yo!" madramang sabi nito habang pabirong sinasabunutan ako.
"Oh well" pang-aasar ko dito sabay hawi ng buhok ko. Kita ko naman siyang inirapan ako kaya tawa-tawa ko siyang binigyan ng flying kiss.
"Yuck ka talaga sis! Babush na! Huwag sana masarap lunch mo" maarteng paalam nito.
Kilala na din siya ni Gael dahil gaya nga ng sabi niya ay always naman iyon dito pag sinusundo ako either lunch or pag-uwi. Lagi niyang inaasar si Gael na dapat daw sa kaniya na lang siya at iwan na ako dahil mas maganda naman daw siya. Kalokang bakla ito! pero super lover ko iyon kahit gano'n. Close sila at iyon ang nakakatuwa kay Gael. Never siyang nag judge kahit kanino at wala siyang pinipiling pakikisamahan. Lahat pantay-pantay. Kaya mas lalong nakaka-inlove iyong isang iyon eh. Hindi lang gwapo, masyado pang mabait.
Halos walking distance lang ang office ko sa hospital kaya sigurado ako nandoon na siya ngayon. Mabuti nga at malapit lang kami sa isa't isa at magka sabay ang break namin kaya nagkaka time pa din kami na magkita despite sa busy schedules namin pareho. Pagdating ko sa may lobby nakita ko siyang masayang kausap si kuyang guard. Mukhang kadadating lang niya at as usual friendly siya sa lahat, kaya halos kahit na sino nakakausap at napapakisamahan niya eh. Naka white shirt lang ito at white pants. Naka sukbit naman sa braso niya ang white coat niya na mas lalong nagpalakas ng dating niya. Ang gwapo-gwapo talaga ng boyfriend ko lalo na sa uniform nila!
BINABASA MO ANG
Segundo
RomanceHindi ko alam pero simula pa lang noon, naniniwala na ako na maraming misteryo sa mundo at buhay ng isang tao. Hindi ko nga lang alam na makakaranas din ako ng ganun. Isang misteryo na alam kong buong buhay ko ay hinding-hindi ko malilimutan. Kaya b...