5 Segundo

28 1 0
                                    

Papasok na ulit ako sa office ko nang may na received akong text mula kay Gael

**
Thursday, August 9, 2018
*Ingat po sa pag d-drive pakakasalan pa kita. I love you~ ❤* Gael pogi 😘

Napangiti naman ako dito at nagreply pabalik

*Ikaw din, I love you too~ ❤*

6:30 A.M
**

Pababa na ako sa hagdan nang makita ako ni mommy at daddy.

"Maaga pa naman, kumain ka na muna 'nak"

"Nagmamadali ako mom eh, may meeting kami ngayong umaga" sagot ko dito sabay beso sa kanila ni daddy.

"Oh sige kumain ka na lang doon at huwag magpapalipas ng gutom kung hindi isusumbong kita sa boyfriend mo" banta ni mommy sa akin kaya natawa ako. Kahit sila alam na wala akong magagawa kapag si Gael na ang nagsalita sa pagkain ko.

"Sige mom, dad gotta go bye!"

Nasa sasakyan na ako nang mag ring ang phone ko.

(Fifi calling)

"Sis! Nasaan ka na ba bilisan mo at magsisimula na ang meeting!" si Fifi pala ang tumawag at natataranta ito.

"Wait lang sis, nag d-drive na ako. Huwag ka mag-alala paliliparin ko na itong kotse ko." natatawa kong sabi dahil ramdam ko ang stress sa boses niya. Tinignan ko ang oras at nakita kong hindi pa naman ako late. Sadyang oa lang itong baklitang ito at naghihintay ng kasama.

"Bilisan mo na sis ah! I need you here na" madramang sabi nito

"Sige na, sige na on my way na nga. Bye na!"

"Babush!"

(End of call)

Pagdating ko sa parking lot ay nagmadali na akong umakyat sa building. Hindi pa naman ako late dahil may 10 minutes pa naman akong natitira. Okay lang iyan buzzer beater naman ako lagi.

Nagtatakbo na ako papasok sa elevator nang may nakabanggaan ako.

"Sorry po pasensya na" sabi ko dito habang nagmamadali

"Okay lang Ms." sagot nito sabay pasok din sa loob.

Pinindot ko ang 7th floor kung saan nandoon ang office ko at ang meeting hall. Nilingon ko naman iyong naka banggaan ko para sana itanong kung anong floor niya pero nginitian lang ako nito at sinabing same lang kami ng bababaan.

Hindi ko na ito pinansin at nagmadali na lang pumasok sa office kung saan naghihintay si Pia sa akin.

"Good morning Ms. Aubrey, buti na lang nandito ka na. Dumating na sila bossing eh. Magsisimula na daw iyong meeting." sabi nito

"Good morning din Pia, tara na bilis" hinihingal kong sagot. Buti na lang talaga mabilis ako.

Pagpasok namin sa meeting room ay nakita kong nakaupo na si Fifi sa harapan kaya pinalapit niya ako at pinaupo sa tabi niya.

"Bakla ka talaga! Buzzer beater ka talaga ng taon!" sabi nito sa akin.

"Gano'n talaga pag maganda" tawa ko dito

Maya-maya pa ay pumasok na sila bossing. Ito ang tawag namin sa mga big bosses namin dito sa kompanya. Sila Mr. Frederick and Mrs. Evie Lopez na nagmamay-ari nitong kumpanyang pinagta-trabahuhan ko.

Family friend sila ng mom and dad ko at ka business partner na din. Actually my parents are one of the shareholders of this company kaya na din siguro they gave me the privilege na magkaroon ng secretary kahit hindi ko naman talaga kailangan kung tutuusin. Although I told them in the first place not to give me special treatment and just treat me like a normal employee they still insisted na magkaroon ng secretary. Nahirapan kasi ako sa una especially noong baguhan ako sa trabaho and I don't know how to handle every single client I had kaya gan'on. Now that I'm used to it already, ayaw ko pa din mawalan ng secretary dahil napamahal na din sa akin si Pia at alam kong kailangan niya ng work for her child.

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon