Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko nireplyan iyong nag text dahil panigurado nangti-trip lang iyon. Naisipan kong huwag ng pumasok sa office at pumunta na lang ulit kila tita para sabihin iyong nangyari kagabi.
Mas lalo ko lang tuloy na miss si barbeque. Namiss ko iyong mga late night texts and calls namin at iyong lagi niyang pag hatid at sundo sa akin kahit saan ako manggaling.
Mga aalas-siete na ng umaga ng gumayak ako at bumaba. Naabutan ko si mommy na busy at gumagawa ng breakfast sa kusina.
"Oh kumain ka na ng breakfast 'nak, kahapon hindi ka na kumain ng dinner" sabi nito sabay lagay sa akin ng pancakes
"Thanks mom, where's dad?" tanong ko dito habang kumakain ng mapansin na wala si dad.
"Nag jogging sandali at baka maya-maya lang ay padating na iyon."
"Mom, mamaya pala pupunta ako ulit kila tita" sabi ko dito kaya napatigil siya sa ginagawa. Hindi ko na din sinabi pa iyong nangyari kagabi at baka mag-alala pa. Medyo praning pa naman ito at baka mas lumala pa. Tama ng mom at dad na lang ni Gael ang maka alam.
"Aba! Mabuti naman kung gano'n! Hala sige gumayak ka na at huwag ka ng magpatanghali pa" na e-excite na sabi nito kaya naman wala na kong nagawa at kumilos na pag kakain ko. Kulit talaga ng mommy ko.
Nagmamaneho na ako papunta kila tita at hindi ko na din sinabi sa kaniya na bibisita ulit ako ngayon. Surprise visit ko na lang sila tutal kilala na din naman ako sa subdivision nila. Hindi ko alam pero ang light ng feeling ko ngayong umaga pero at the same time kinakabahan ako. Light kasi kahit papaano naramdaman ko iyong presence ulit ni Gael kagabi through doon sa "prank text" na iyon at kinakabahan kasi ang unusual lang ng nangyari.
Almost an hour bago ako makarating dito sa tapat ng bahay nila dahil medyo na traffic pa ako sa daan. Buti na lang nakita kong nakaparada pa ang sasakyan ni tito which means hindi pa siya nakaka alis papuntang office niya. Mas gusto ko din kasing sabihin sa kanila ito ng sabay at kung may alam ba sila dito dahil nakakabahala kung meron mang nakakuha ng phone ni Gael.
Pagbaba ko ng sasakyan, hindi ko alam pero ang lakas na naman ng tibok ng puso ko, para na itong lalabas sa sobrang lakas. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag doorbell dahil parang hihimatayin ako sa kabog ng dibdib ko. Ang weird ko ata ngayon.
"Kayo po pala Ms. Aubrey! Buti po nakadalaw kayo. Ang tagal niyo na ding hindi nakakabisita eh" sabi ni Manang Oly. Kasa-kasama na nila sa buhay simula pa lang ng pinagbubutis ni tita si Gael.
"Grabe naman kayo Manang, pati ba naman ikaw ang bilis maka miss sa akin? Saka po Aubrey na lang, huwag ng 'Ms.' manang" biro ko dito habang pinapapasok ako sa loob.
"oo na sige na hija, osya maupo ka muna diyan at tawagin ko lang sila" natatawang sabi niya sabay alis.
Naghintay lang ako ng ilang segundo at nakita ko na agad si tita at tito na parating.
"Hija! Aubrey anak! Mabuti naman at naka dalaw ka! Na miss kitang bata ka ikaw talaga!" excited na sabi ni tita sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Oo nga 'nak namiss ka namin" sabi ni tito sabay yakap din sa akin.
Na we-weirduhan ako sa kanila kasi parang kahapon lang ay magkakasama kami tapos namiss nila agad ako. Bakit parang kahapon pa may weird na nangyayari?
"Kahapon lang nandito ako kayo talaga oh" biro ko dito dahil mukha naman silang nangti-trip lang. Mapang-asar din kasi sila parang parents ko. Kaya nga siguro magkakasundo sila at magbabarkada din.
"Kahapon? Bakit hindi sinabi ng anak ko? Kayo ah nagsosolo kayo" tukso sa akin ni tita sabay tusok ng pabiro sa tagiliran ko.
Kumabog na naman ang puso ko sa sinabi ni tita. A-anak niya? Magkasama? Kahapon? Si Gael lang naman ang anak nila ah. A-ano?
BINABASA MO ANG
Segundo
RomanceHindi ko alam pero simula pa lang noon, naniniwala na ako na maraming misteryo sa mundo at buhay ng isang tao. Hindi ko nga lang alam na makakaranas din ako ng ganun. Isang misteryo na alam kong buong buhay ko ay hinding-hindi ko malilimutan. Kaya b...