2 Segundo

26 1 0
                                    

Nagdadasal lang kami at naghihintay sa labas ng operating room. Hindi ako mapakali at hindi din nila ako mapatahan. Nag re-replay ang imahe ni Gael na duguan sa harap ko at walang awang sinaksak.

"Anak tumahan ka. Alam kong ayaw ni Gael na makita kang ganiyan" sabi sa akin ni daddy

"Aubrey bakit nagkagano'n? Masaya lang tayo kanina hindi ba?" Iyak na sabi sa akin ng mommy ni Gael.

"Sorry tita, kasalanan ko" iyak ding sabi ko. Nanghina na lang akong napa-upo.

Dinaluhan nila ako at niyakap ng mahigpit. Walang makakapagpatahan sa akin ngayon kung hindi ang yakap ni Gael.

Ilang oras na siyang nasa loob ng OR pero wala pa ding balita.

Nang biglang lumabas ang isang nurse na nagmamadali at para bang may nangyayaring hindi maganda kaya agad-agad kaming lumapit dito.

"A-anong na-nangyayari?" nanginginig ako at anytime alam kong bubuwal na naman ako.

"Ihanda niyo po ang sarili niyo" sabi ng doctor sa amin.

Nagkakagulo sa loob alam ko. Blanko na naman ang utak ko at wala na naman akong ibang maisip kung hindi ang magdasal na walang mangyaring masama kay Gael.

Ilang minuto pa silang nagkandaugaga sa loob at kami na nandito sa labas ay walang magawa kung hindi ang umiyak at maghintay.

Maya-maya pa ay lumabas ang isang doctor at malungkot na tumingin sa amin. Wala pa siyang sinasabi pero parang alam ko na ang sasabihin niya. Hindi! Hindi pwede!

"N-no huwag kang magsasalita" sabi ko dito

"A-anak kumalma ka" umiiyak na sabi ni mommy

"M-maayos na ang fiance ko diba?" hindi ko kaya ito please.

"I'm sorry. Ginawa namin ang lahat pero hindi na talaga niya kinaya---" pinutol ko ang sinasabi ng doctor.

"No! Hindi iyan totoo! Ang dami-dami niyo sa loob! Anong sorry?!" Nag h-hysterical kong sigaw kaya pinipigilan na ako nila daddy.

"I'm sorry to say this pero may napuruhan sa isa sa mga internal organs niya kaya hindi niya kinaya. Marami ding dugo na nawala sa kaniya. I'll explain it further later but for now I'm really sorry for your loss. We did our best" malungkot na sabi nito at tinapik si tito na tahimik na umiiyak sa tabi habang alalay si tita.

Narinig ko pang sabi ng nito ay

"Time of death 11:11 PM"

Sa mga oras na iyon isa lang ang hiling ko, na sana ay huwag akong iwan ni Gael at panaginip lang ang lahat.

Wala na akong pakialam at hinawi ko silang lahat. Nakita ko siya na nakahiga sa kama habang maraming aparato sa katawan. Bugbog sarado ang mukha niya, puro pasa at sugat. Hindi ko kayang tingnan siyang ganito, sobrang sakit.

Lord bakit ganito ang nangyari?

"B-barbeque? P-please naman oh. Sabihin mo joke time lang ito. Gael please." niyakap ko siya at inalog-alog.

"Hindi ko kaya bbq please gumising ka! Utang na loob Gael!"

"Huwag naman ganito oh. Masaya naman tayo kanina ah? Bbq! Please" hawak ko ang napaka gwapong mukha ng mapapangasawa ko. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko at kung nagwawala na ako dito.

Sinundan ako nila tita at mommy at alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman.

"Magpapakasal pa tayo eh! Bakit ka naman ganiyan?! Gael 11:11 na! Iyong wish ko tuparin mo naman oh! Gusto mo malaman diba? Gumising ka diyan at huwag mo akong iwan. Iyon ang hiling ko bbq. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal" yakap-yakap ko siya at ayoko siyang pakawalan. Hindi pwede ito! Ayoko!

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon